Chapter 32
Maaga akong nagising at kahit masakit ang ulo ko ay wala akong nagawa kundi ang tumayo at mag-asikaso dahil kailangan ako sa resort. Hindi pa naman ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa mga pwedeng mangyari.
Humawak ako sa sentido ko dahil mas lalo 'tong sumasakit kapag naiisip ko uli' ang nangyari.
Bumalik ako sa reyalidad ng may kumatok sa mesa. Napatayo ako bigla at tumingin sa may gawa nun. Nanlaki ang mata ko ng makita ang lalaki kaya naman 'agad akong napaiwas ng tingin sa kanya.
"I need new towel," mahinang sabi niya.
Tumango ako habang nakatingin sa papel sa table.
"Ikaw ang gusto ko na mag bigay." Napatingin ako sa kanya.
Ngumiti ako. "Sorry sir! Hindi niyo pwedeng ipagawa ang isang bagay dahil gusto niyo lang."
"Should I call the owner? Your tita, right?"
Ngumiti siya at 'nilapit sakin ang mukha niya.
Anong--
"Kung ayaw mo naman... pwede mong dalahin yung towel sa room," nangiinis niyang sabi bago lumayo sakin.
Hayyy! Nakakainis!
Bigla uli' siyang tumingin sakin. "Ayaw ko ng naghihintay, you have 5 minutes..." Tumingin siya sa relo niya. "It's already starting •••"
Kumaway kaway pa siya sakin kaya mas lalo akong nainis.
"Five minutes seryoso kaba!" Galit na sigaw ko.
Haysss!
Kung hindi lang talaga mahalaga sakin si Tita hinding hindi ko 'to gagawin!
Mabilis akong lumabas sa welcome area at kumuha ng bagong towel. Inipon ko ang lakas ko para mabilis na makasunod sa kanya. Pagkatapat ko sa room niya mabilis ko na hinabol ang paghinga ko.
Nakakainis talaga 'tong lalaki na 'to!
Ang sarap niyang sapakin!
Para naman makaganti ako kahit minsan lang!
Okay lang yan Zoey! Inhale! Exhale!
Hoooooo!
Tumingin ako sa may pintuan at mabilis na kumatok.
Teka...
Paano niya nagawang makabalik ng ganun kabilis?
Biglang bumukas ang pintuan kaya naman pumasok ako.
Nakita ko ang lalaki na naka-upo sa may sofa habang nagbabasa ng libro. Ngumiti ako sa kanya ng pilit dahil baka kung ano pa ang sabihin niya kay tita Yna.
"Ito na ang towel... Sir! Lalabas na po ako," magalang na sabi ko.
Tumalikod na ako at nag lakad palabas ng bigla siyang magsalita.
"Sino ang ama ni Zia?" Napatigil ako sa paglalakad.
Sinasabi ko na nga ba!
Ito na nagtatanong na siya at ito ang pinaka kinakatakot ko sa lahat. Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko na magkita sila dahil ganito. Nagsisimula na naman siyang alamin ang mga bagay na hindi dapat.
Tumingin ako sa kanya. "Personal question are not allowed sir."
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at 'agad na lumapit sakin.
"Hindi ba ako?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "What are you expecting? Ikaw ang tatay niya? Tingin mo ikaw--" pinutol niya 'agad ang sasabihin ko.
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...