Special chapter
•|| ZACK ||•
(Past)
Tumawag si tita Gemma at pinapunta ako sa manila.
I'm just a high school student at hindi pa ako masyadong sanay dahil iba ang manila sa province pero kahit ganun wala akong choice dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Siya ang tumayo na magulang ko since iwanan ako ng parents ko at 'di na balikan.
Time has been passed.
Nakarating ako sa manila ng safe. 'Binigay sakin ni Tita ang address niya at para makapunta ako dun ay kailangan kung sumakay ng bus kaya naman nandito ako sa bus'top at naghihintay ng bus para makasakay na.
May dala akong bag at damit ang laman at naka hat ako. Sinuot ko din ang airpod para walang mang-abala sa'kin. Ilang minuto pa ang hinihintay ko ng may tumigil ng bus kaya naman sumakay na ako. Tahimik lang akong umupo sa may dulo pero nasa gilid kaya hindi mapapansin na may naka-upo kung titingnan.
Pumikit muna ako at biglang napa-mulat ang mata ko ng makita ang babaeng umiiyak sa may tabi kung saan ako naka-upo pero malayo siya ng kaunti at sa tingin ko hindi niya napansin na may naka-upo dito.
Lumakas ang pag-iyak niya kaya naman pinagtitinginan na siya ng mga nakasakay sa bus.
Huminga ako ng malalim at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko na parang gusto ko siyang tulungan.
Sinilip ko ang babae at kahit nagbago na ang kaunti ang facial niya alam ko na siya yun.
Zoey?
Ang babaeng pinangakuan ko!
Lalapit sana ako ng maisip ko na parang may mali kaya naman bumalik ako sa upuan ko.
Tumingin ako sa tabi at malayo pa'to sa address na 'binigay ni Tita.
Bahala na nga!
Umiling iling ako at pinindot ang pampatigil ng bus. Tumayo ako at pagdaan sa kanya ay mabilis na sinuot sa ulo niya ang kupya na suot ko. Dire-diretso lang akong bumaba at hindi na lumingon pa.
Napabuntong hininga ako ng umalis na ang bus.
Napakamot ako sa ulo ko.
"Okay lang kaya siya?"
Sinilip ko uli' ang bus at ulo na lang ng babae ang nakita ko.
Sana maging okay na siya... Masakit na makita siya na umiiyak ng gan'to.
Napabuntong hininga uli' ako bago umupo at maghintay na naman ng panibagong bus.
•|| Zoey ||•
(Present)Nakatayo ako sa taas ng batuhan at nakatingin sa baba kung saan magandang tingnan ang dagat.
Isang paraiso.
Bumalik ako sa dagat kung saan may isang taong nag sabi sa'kin na kapag kumuha daw ako dito ng bato kasama ang taong mahal ko ay hinding hindi na kami maghihiwalay habang buhay.
Hindi ako nun naniniwala kasi kasabihan lang naman yun.
Sino bang tao ang aasa sa kasabihan para makita kung magtatagal sila ng taong mahal niya?
Syempre imposible yun. . .
Nakadepende sa inyo ang lahat.
Kung paano niyo mapapanatiling matatag ang isang relasyon, kung paano niyo mapapanatili ang turingan, kung paano niyo maiiwasan ang tampuhan at away, at kung paano niyo mamahalin ang isa't isa katulad ng una.
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomantikMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...