Chapter 15

14 2 0
                                    

Inaayos ko na ang mga gamit na dadalahin para bukas. Pinili ko na din ang mga importante dahil 'yun lang ang dadalahin ko. Napatingin ako sa may sala at parang bumalik lahat ng mga nangyari kanina.

New memories with him...

At sa mga oras na'to hindi ko maipapaliwanag ang nararamdaman ko.

Hindi padin nag-si-sink in sa utak ko na maayos na kami dahil parang kailan lang magkagalit kami sa isa't isa tapos biglang ganito na?

Hindi kapani-paniwala hindi ba?

Pero ang sarap sa feeling na 'di na'to panaginip kundi reyalidad na.

Bigla kung naalala ang sinabi niya kanina.

Ang sarap sa pakiramdam na may taong gusto kang protektahan. Yung tipong handa niyang gawin lahat para sayo. Yung kahit alam niya na pwede siyang masaktan ay 'di siya magdadalawang para sayo.

Ngumiti ako.

"Pero kapag nasa tabi mo ako Zoey walang ibang pwede manakit sayo... Dahil pu-protektahan kita."

Humawak ako sa mukha ko dahil pakiramdam ko namumula na ngayon.

Ano na namang nangyayari sakin?

Bakit ganito na naman 'to?

Siguro dahil matagal na noong huli kung narinig mula sa kanya kaya nagulat ako at ganitong mag react ngayon.

"Bakit kasi hanggang ngayon ang hilig niya pa ding mag-pakilig? Tuloy panay na naman ang pag-iisip ko sa kanya at mahihirapan na naman nitong makatulog ngayong gabi."

Inayos ko ang sarili ko.

Huminga ako ng malalim.

"Inhale, exhale, ha!"

"Inhale, exhale, ha!"

Umiling iling ako para mawala siya sa isip ko. Tumingin ako sa mga gamit ko at mabilis ko na tinapos ang pag-iimpake pagkatapos nun ay naligo na din ako dahil hindi ko nagawa kanina ng dumating ang lalaki.

Nang makaligo na ako ay nagsuot ako ng kumportableng damit na pang-tulog. 'Sinara ko na ang ilaw sa sala at pumasok na sa kwarto. Kinuha ko muna ang phone bago humiga sa kama.

Tiningnan ko ang page ni Mr. Fernandez. Ini-announce na pala nila na ako ang final na panalo na magiging model para sa i-la-lanched na libro at halos lahat sila ay inaabangan 'yun.

Ngumiti ako dahil maganda ang mga sinasabi nila sakin.

Napansin ko ang isang comment.



Hsgsnsjansj:

/Ate Zoey kailan po kayo gagawa ng new story? Subrang ganda po kasi ng gawa niyo eh. Sana po gumawa na kayo, waiting po sa upload 💋❤️/



Napaisip ako bigla.

Kailan nga ba?

Hindi pa kasi pumasok sa isip ko na gumawa ng panibagong kwento dahil 'di ko maisip kung anong kwento na naman ang gagawin ko.

Naisip ko bigla ang lalaki.

Tungkol sa kanya ang huli kung ginawa...

Iba lang ang pangalan pero siya ang pinagkuhaan ko. Mula sa anyo, pananalita, kalooban, at sa mga kilos niya.

At kung sakaling gagawa ako ngayon... Gagawin ko ba uli' ang dati?

Natigil ako sa pag-iisip ng biglang may mag-message sakin.

Tiningnan ko ang cellphone ko at pinindot ang message.

Napangiti ako bigla.

Iniisip ko pa lang siya tapos ngayon heto na talaga.




Love in the meantime Where stories live. Discover now