Chapter 27

19 2 0
                                    

Trigger Warning : Strong Language, Suicide.

Chapter 27

Mabigat ang pakiramdam ko at hindi ko alam kung bakit kaya naman dahan dahan kung 'minulat ang mata ko. Nanghina ako ng makita na nandito ako sa kwarto ko sa mansion para akong naninigas at na estatwa dahil 'di ko alam kung bakit.

What happ--

Isang malakas na kalampag ang narinig ko mula sa labas kaya naman mabilis akong lumabas sa kwarto para makita kung ano ang tunog na 'yun.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang apat na lalaki at napahawak ako sa bibig ng makita na sira na ang pintuan ng condo ko.

"Anong ginagawa niyo!" Galit na sigaw ko.

"Get her!" Sigaw ng isang lalaki.

Nataranta ako at 'di ko alam ang gagawin dahil wala si Nicole at wala din akong lakas na lumaban.

"Sino kayo!" Buong lakas na sigaw ko.

Hindi sila sumagot at mabilis na lumalapit sakin kaya naman napa-atras ako.

Natatakot ako at hindi ko alam kung anong pwede nilang magawa sakin.

"Anong kailangan niyo sakin?" Parang tanga kung tanong.

Wala man lang silang pakialam sa tanong ko at mabilis na lumapit sakin kaya naman mabilis akong tumakbo. Sa pagtakbo ko mabilis nahawakan ng isang lalaki ang buhok ko kaya napasigaw ako sa subrang sakit.

"Ahh!"

Mabilis akong nag pumiglas para makatakas pero may nilapit siya sa bibig ko na panyo at unti unting lumabo ang lahat.



Mabilis akong tumayo at tumakbo sa pintuan ng kwarto ko. Pinilit kung buksan pero hindi ko magawa. Paulit ulit kung sinubukan pero naka- lock talaga.

"May tao ba diyan? Buksan niyo 'to!" Malakas na sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan at hindi naman ako nabigo dahil bumukas ito.

Si manang,

"Manang..." Mahinang tawag ko sa kanya.

Lumungkot ang mukha niya. "Hija..."

"Bakit po ako nandito?" Nanghihinang tanong ko.

"I'm sorry seniorita dahil hindi na po kayo pwedeng lumabas hanggang sa araw ng kasal ninyo," yumuko siya.

Nanigas ako ako sa kinatatayuan at hindi makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya.

Umiling iling.

Pagkatapos ng lahat lahat?

Gagawin pa din nila sakin 'to?

"No... Aalis na po ako," nanghihinang sabi ko.

Mabilis akong tumakbo pababa pero bago pa man ako makalabas ay nahawakan na ako ng isang lalaki.

"Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ko pero bigla ako nitong binuhat na parang isang sako ng bigas.

"Ano ba!" Pinagpapalo ko ang likod niya pero walang epekto.

Mabilis siyang pumasok sa silid ko at 'binaba ako sa kama.

"Ahhhhh!!" Galit na galit na sigaw ko.

Nakita ko si manang sa may study table ko kaya 'agad akong lumalapit sa kanya.

"Manang tulungan niyo po akong makalabas, please..." Pagmamakaawa ko.

Hinawakan niya ang kamay ko.

Umiling iling siya. "Tama na hija... Magpahinga kana please... 'wag ka ng lumaban sa daddy mo dahil masasaktan ka lang paulit-ulit."

Love in the meantime Where stories live. Discover now