Chapter 33
Tanong.
"Bakit ka umiiyak?"
Hindi ba obvious nasaktan ako kaya heto umiiyak na naman ako sayo. Noon man o ngayon walang pinag-kaiba dahil ikaw pa din ang lalaking nag papaiyak sakin ng ganito. At tanging ikaw lang!
"Nasaktan ka ba?"
Oo subra! Masakit na parang ayaw ko ng tumigil sa pag-iyak at kahit gusto ko man wala akong magawa dahil sa loob loob ko dinudurog ako at tanging magagawa ko na lang ay umiyak.
"Masakit ba yung narinig mo?"
Syempre! Minahal kita ng matagal na panahon at ikaw lang sa buong buhay ko walang iba! Kaya masakit na marinig na may mahal ka ng iba! Mali kasi hindi mo naman talaga ako minahal at yang babae na nasa tabi mo ngayon ang tunay mong mahal at subrang sakit na makita na masaya ka sa iba at hindi sakin!
Bakit hindi ko nagawang sabihin sayo lahat ng yan nung nasa harap na kita! Bakit tumakas na naman ako at tumakbo! Bakit hindi ko kayang harapin lahat kapag ikaw! Wala akong magawa kung ang hindi tumakas na lang paulit ulit!
"Mommy did you cry again?" Napatingin ako sa anak ko na seryosong nakatingin sakin.
Ngumiti ako ng pilit. "Puyat lang si mommy baby."
Mababakas pa kasi sa mga mata ko ang pagmamaga dahil sa pag-iyak ko kagabi.
Niyakap niya ako bigla. "Are you hurt again mommy?"
Biglang pumatak ang luha ko kaya 'agad ko yung pinunasan para 'di makita ng anak ko.
"Did he hurt you again?"
Umiling iling ako. "I'm fine baby, don't worry about mommy... Let's eat na, okay?"
Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin bago tumango.
Kilala talaga ako ng anak ko kapag nagsisinungaling pero kahit alam niya ay hinayaan niya na lang dahil alam niya na nasasaktan ako. Buti na lang talaga kahit minalas ako sa lahat ay sinuwerte naman ako na magkaroon ng isang anak na tulad ni Zia.
Kumain na kaming dalawa ng anak ko. Pinauwi ko na si Yeng at sinabi ko na mag pahinga muna siya at ako na ang bahala sa anak ko. Gusto ko ibigay lahat ng oras ko kay Zia at dahil na din nandito na si Tita ay siya muna daw ang mag-asikaso ng resort at 'pinagpasalamat ko yun dahil hindi ko na muna makikita ang lalaki.
Napatingin ako sa bintana at sakto naman na nakita ko ang lalaki dahil nagsisimula na silang mag shooting.
Kahit kailan talaga oh!
Ayaw ko talaga siyang makita pero kailan ba ako pinaburan ng mundo?
Napatitig ako sa kanya ng 'di inaasahan.
Mukang nag-eenjoy naman siya sa ginagawa niya.
Kumunot ang noo ko ng makita ko si Jennifer na naka-upo habang nanonood sa shooting.
Napatawa ako bigla.
"Aalis pala ah! Mukang plano mo ng lumingkis hanggang matapos ang buwan!"
"Mommy? Sino po kausap niyo?" Bigla kung isinara ang bintana dahil sa gulat.
Tumawa ako. "Kinakausap ko lang ang sarili ko anak," palusot ko bago maglakad papalapit sa kanya.
Umupo ako sa tabi niya na da-drawing ngayon.
"What's that baby?"
Hindi pa buo ang drawing niya kaya naman hindi ko pa masyadong maintindihan ang tinutukoy ng drawing.
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...