Chapter 5
Hindi ako makatulog. Lahat ko ginawa para makatulog pero hindi ko pa rin magawa. Bumabalik pa rin sa akin ang sinabi niya.
"Hindi na yun mahalaga..."
"Baliw na ba siya? Ba't kasi kailangan niyang sabihin yun sa harapan ko? Pakiramdam ko tuloy gusto niyang iparating yun sa akin."
Bakit kasi siya nakatingin sakin nung sinabi niya yun?
Hindi tuloy ako maka move on!
Nasisiraan na ako ng bait!
Huminga ako ng malalim at ikinalma ko ang sarili ko.
Ngumiti ako.
Hinawakan ko ang pisnge ko.
The hell Zack Klein Lavarez! Anong ginagawa mo sakin?
Bakit nagkakaganito na ako?
"Teka ano ba 'to bakit kinikilig ako!"
Ahhhhhhh!!!
Baliw kana talaga Zoey!
Kinuha ko ang unan at dun sumigaw. Hindi talaga ako makakatulog ngayong gabi.
Bakit ang big deal nun sayo 'di naman niya sinabi ang pangalan mo ah kaya anong problema mo diyan!
Ngumiti uli' ako.
Nagsisipa ako at sumigaw uli' sa unan.
Kinabukasan maaga akong nagising.
Lumapit ako sa bintana at nilanghap ang hangin dun. Ang sarap lumanghap ng sariwang hangin dito.
Tumingin ako sa paligid at ngumiti.
Ang ganda ng mood ko ngayon ah!
Naalala ko ang lalaki.
Ano kayang ginagawa niya ngayon?
"Saan kaya ako dadalahin ni Mr. Tour guider?"
Ngumiti ako bigla.
"Tama na pag-iisip Zoey," mahinang sabi ko sa sarili.
Huminga ako ng malalim at naisipan ng gumalaw galaw. Naligo na ako at pagkatapos nag ayos na.
Pumili ako ng damit.
Isang black crop top sa ilalim at white croptop jacket sa ibabaw. Fitted pants naman sa pangbaba at white rubber shoes. Baka kasi mag lakad na naman kaya kailangan kumportable ako para masabayan ko siya.
Humarap ako sa salamin at nag lagay ng make-up. Red lipstick naman para sa labi ko. Pinuyod ko na din ang buhok ko para hindi ito humarang sa mukha ko.
Tumingin ako sa salamin uli'.
"Perfect," ngumiti ako at naisip na bumaba na.
I flipped my hair to my left shoulder.
Iba talaga pag maganda!
Pagkababa ay binati ko din ang mga makikita ko sa daan. Katulad ng dati ginagawa nila ang best nila para maalagaan ang farm namin. Naglakad na ako palabas sa farm at may nakita 'agad ako na nakaparada na kotse sa 'tapat namin.
Kanino naman 'to?
Si prince charming ko kaya?
Tumawa ako dahil sa pinag-iisip ko.
Tumingin ako uli' sa kotse at parang kinikilatis iyon. Maya maya bumukas ito kaya umiwas ako ng tingin dahil baka kasi kung anong isipin sa akin. Sa ganda kung 'to anong iisipin sa akin?
Nawawalang prinsesa sa palasyo?
Tumawa pa ako ng mahina dahil sa mga pinag iisip ko.
"Sakay na Ms. Morales."
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...