Epilogue

34 2 0
                                    

Epilogue

"Zack! come here!" Sigaw ni mom kaya naman mabilis akong bumaba.

Napangiti ako ng makita si dad na may dala ng pagkain para sa'min galing sa trabaho.

Mabilis akong tumakbo at yumakap kay dad.

"Did you miss me?"

Ngumiti ako.

Si dad talaga! 'Lagi akong 'tinuturing na baby!

"Yung gift ko po?" Tumawa siya ng marinig ang tanong ko at kahit si mom ay natawa na din.

Yun talaga yung dahilan kaya yumakap ako kay dad.

"Mamaya na yan kumain na muna tayo," sabi ni mom bago umupo

Tumingin kami ni dad kay mom.

"Mamaya na baka magalit na naman ang mom mo," mahinang sabi ni dad kaya tumango ako.

Umupo na kami at nag-simulang kumain.

Gabi lang umuuwi si dad dahil sa trabaho niya kaya gabi lang kami sabay sabay na kumakain. Malaki ang bahay na tinitirhan namin kung tutuusin ay mansion na din kaso nga lang napaka tahimik dahil kaming tatlo lang ang nakatira.


'Lagi akong ngumingiti kapag lumalabas kasi naman sumasalubong 'agad sakin ang malaking frame ng family picture namin.

Bakasyon ngayon kaya naman wala kaming pasok. I am currently seven years old pero sa murang edad na 'to ay madami na akong nagagawa dahil sabi ni dad subrang talented ko daw talaga at sa future sigurado na magiging successful ako.

"Zack let's go hinihintay na tayo ng daddy mo," tawag ni mom sakin. "May pupuntahan tayo ngayon."

Tumango ako at sumunod na kay mommy.

Nakita namin ang sasakyan ni dad na naghihintay sa labas kaya naman pumasok 'agad kami dun. Ilang minutong nagmaneho si dad bago siya tumigil at nang lumabas kami ay nagulat ako dahil nandito kami sa simbahan.

"'Lagi na tayong pupunta sa simbahan tuwing linggo," sabi ni dad.

Tumango naman ako basta kasama siya dahil minsan lang talaga namin siyang makasama.

Papasok pa lang kami ng may kasabay kaming pumasok na mag-ina. Napatingin ako sa batang babae at masaya siyang nakangiti habang hawak hawak ng nanay ang kamay niya.

Hindi ko alam kung bakit ilang minuto akong napatitig sa kanya. Ang mata niya, ang ilong niya, at ang ngiti niya.

Ang ganda.

"Zack!"

Napatingin ako kay mom na kanina pa pala ako tinatawag. Ngumiti ako at mabilis na sumunod sa kanila.

Simula nung araw na 'yun ay naiganyo ako na magpabalik balik sa simbahan dahil baka sakaling makita ko uli' ang batang babae.

Nagtataka nga si mom na kahit hindi naman kasama si dad ay pumupunta pa din ako sa simbahan. Mula kasi ng araw na 'yun ay hindi ko na uli' siya naaabutan.

Hindi ko alam gusto ko lang talaga siyang makita uli' masama ba yun?

"Zack pwede bang ipamigay mo 'tong pagkain sa mga tao?" Tanong sakin ni sister kaya 'agad naman 'kong tumango.

Dahil nga sa palagi ako dito sa simbahan ay ito tumutulong na din ako sa kanila para may dahilan ako kapag nagtanong si mom o dad man.

Dahan dahan akong naglakad habang dala dala ang box ng may tinapay at bigla akong napatigil ng makita ko ang babae na nakatayo at nakatingin sa kung saan.

Love in the meantime Where stories live. Discover now