Chapter 20

30 2 0
                                    

Sabi nila isa sa pinaka malungkot na memorya ay ang kalimutan.

Bakit?

Dahil ang mga masasaya na nangyari ay magiging parte na lang ng nakaraan.

Kapag kinalimutan ka ng isang tao...

Syempre malulungkot, masasaktan, o maiiyak ka.

Magtatanong ka sa sarili,

Bakit niya ako kinalimutan? Bakit hindi niya ako maalala? Bakit parang ganun lang kabilis sa kanya?

Hindi ka makakatulog sa pag-iisip at kahit sa paggising mo hindi ka matatahimik.

Ganun ba talaga kalaki ang usapan kapag kinalimutan ka ng isang tao na mahalaga sayo?

Paano naman kung maalala ka niya?

Magiging masaya kana ba?

Paano kung sabihin ko sayo na sa pagka-alala mo na lahat hindi lang masasaya ang nakita mo sa nakaraan kundi kasama na din ang mapapait na nangyari na dapat matagal ng kinalimutan.

Magsisisi ka ba na bigla mong naaalala ang lahat?

Hindi ko alam. 'Lagi akong nagtatanong sa sarili pero hindi ko mahanap ang sagot.

Bakit magulo ang nasa alaala ko? Bakit may kulang sa alaala ko? Bakit may mga bumabalik at para akong pinapatay kapag naalala 'to?

Mapapatanong ka na lang sa sarili.

Ano ba talagang nangyari? Ano ba talaga totoo sa panaginip? Ano ba talagang meron ako na hindi ko maintindihan?

"I don't know Zack," mahinang sabi ko. "Natatakot kasi ako..."

Tumulo ang luha ko. "May mga alaala akong nakikita. Napapanaginipan ko... minsan naman bumabalik na lang ng hindi ko alam kung bakit. May mga part na takot na takot ako na para akong sinasakal tapos meron ding usapan na hindi ko alam kung ano ba yun o para saan yun? Hindi ko alam kung bakit nakikita ko yun?"

Umiling iling ako paulit ulit. "Nalilito ako sa nangyayari. Kanina alam mo ba? Nakita ko sa panaginip si mom and dad at nandun din si Liam. May pinag uusapan sila pero hindi ko maintindihan."

"Sino si Liam?" Gulat na tanong niya.

Yumuko ako.

Hindi ko pa sa kanya na ikwento ang past relationship ko dahil 'di naman na mahalaga yun kaya 'di na ako nag abala na sabihin pa.

"My ex boyfriend."

Tumango siya. "Bakit hindi mo sakin sinabi na may ex ka pala?"

Tumingin ako sa kanya. "Kasi hindi na yun mahalaga Zack!"

Kumunot ang noo niya. "Zoey..."

Tumulo ang luha ko. "Dahil nangdidiri ako sa tuwing maiisip na pinatulan ko ang halimaw na tao na yun."

"Zoey..." Mahinang banggit niya sa pangalan ko.

Huminga ako ng malalim. "Zack yung dati naalala ko na. Yung past! Yung lahat lahat mula sa umalis ako sa probinsiya at yung pangyayari sa insedente na yun. Natatakot akong malaman yung totoo? Paano kung totoo yung nakita ko?"

Umiling iling ako. "Paano kung ginawa yun ni daddy? Paano kung totoo yung nakita ko kay mom? Hindi ko matatanggap ang lahat. Hindi ko kaya!"

Niyakap niya ako. Umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib niya. Hinayaan niya lang ako at hindi siya nagsalita ng kahit ano.

Subrang sakit at subra din akong takot na takot at tanging pag-iyak na lang ang magagawa ko para mabawasan ang nararamdaman ko ngayon.


Mabilis na lumipas ang oras at hanggang ngayon ay naka-upo padin kaming dalawa. Mas maayos na ang pakiramdam ko dahil nakaiyak ako kanina.

Love in the meantime Where stories live. Discover now