Chapter 34
Hinila niya ako palabas dahil baka marinig kami ni Zia. Dinala niya ako sa private cottage at wala man lang akong nagawa kung ang hindi sumunod sa kanya.
Nanghihina kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Tumigil ka Zack!" Malakas na sigaw ko.
Tumingin siya sakin. "I want to explain everything! Give me a chance Zoey please... para sa anak natin."
Galit akong tumingin sa kanya. "'Wag mong gamiting dahilan ang anak natin!"
Pinilit niyang hawakan ang kamay ko pero mabilis ko siyang pinagpapalo sa dibdib niya.
"Paano mo 'to nagawa sakin Zack! Pina DNA mo ang anak ko ng walang permiso? How could you do that! Kukunin mo ba siya sakin para mag-isa na naman ako!"
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "No! Hindi ko gagawin yun Zoey hindi ko alam! Wala akong alam!"
Galit kung tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Tumawa ako na parang tanga. "All this time yan lang ang sasabihin mo? Walang kang alam?" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Hinintay kita Zack!" Nagsimula ng tumulo ang luha ko. "Ilang oras at kahit mukha na akong tanga dun kakahintay umasa pa din ako na pupunta ka kasi alam ko na mahal mo ako alam ko na hindi ka katulad ng iba!"
Yumuko siya.
"Tapos ngayon yan lang ang sasabihin mo?"
Napatingin ako sa langit at kulang na lang sumigaw ako sa subrang galit dahil sa mga naririnig ko.
Sinubukan niyang lumapit sakin pero umatras ako.
"Z-Zoey... please..." Nagmamaka-awa ang boses niya.
Tumingin ako sa kanya. "Ano pang gusto mong sabihin? Ano pang explanation ang sasabihin mo? Ano pang mga panloloko ang ipapaniwala mo sa 'kin?"
Hindi siya sumagot.
"Minsan napapatanong ako sa sarili ko..." Pumikit ako saglit para pigilan ang pagtulo pa ng luha ko. "Hindi ba ko sapat na mahalin kaya iniwan niya ako? Hindi pa ba sapat lahat ng mga ginawa ko? May nagawa ba akong mali? Nasaktan ko ba siya? Na disappoint?"
Umuling iling siya paulit-ulit.
"Pero lahat ng tanong ko walang sagot! Kasi 'asan ka?" Napasabunot ako sa buhok ko. "Tangina iniwan mo ako!"
Ngumiti ako sa kanya ng puno ng dismaya.
"Hanggang sa nalaman ko na lang na tinanggap mo yung pera..."
Napatigil siya.
Tumingin ako sa kanya ng puno ng poot sa mga mata. "Sapat ba sayo ang nakuha mo kay daddy? Sapat na ba yun para ipagpalit mo lahat ng mga pinagsamahan natin? Ganun kalaki yung pera? Huh?"
"Zoey... Hindi ganun!" Pinilit niyang lumapit pero umatras uli' ako.
"Lahat ng pangako nating dalawa nagawa mong bitawan para sa lintik na pera na yan!"
Umiling iling siya at biglang napayuko. Naririnig ko na din ang pag iyak niya.
Tinuro ko ang sarili ko. "Minahal mo man lang ba ako?" My voice cracked.
Pinilit niyang hawakan ang kamay ko pero lumalayo ako. "I love you Zoey! Alam mo yan! All this time lahat ng 'pinakita ko sayo totoo yun..."
Napasabunot uli' ako sa buhok ko at hinabol ang paghinga.
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...