Chapter 14
Nakahiga na ako sa kama ko. Sinubukan kung ikalma ang sarili ko kaya naman mabagal kung pinakiramdaman ang puso. Hindi ako makapaniwala sa nangyari kaya mabilis kung kinurot ang pisnge ko.
"Aray!"
This time 'di na'to panaginip!
Napahawak ako sa bibig ko at mabagal na pumikit.
"Oo, Zack."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Then, subukan uli' natin."
Mabilis akong lumayo sa kanya. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Wala--"
"Wala akong pamilya Zoey... Malaking mis-understanding lang 'to."
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
Pero narinig ko na tinawag siya nung bata na Daddy.
Ibigsabihin siya ang daddy nung bata...
Bigla kung binalikan ang nangyari kanina at nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Oo... Hindi ako... yung nasa likod ko."
Napahawak ako sa bibig ko.
Gago!
Dahil sa pagmamadali ko kanina inakala ko na siya ang sinasabihan nung bata at dahil dun 'di na ako nagtanong at mabilis na tumakbo paalis.
At dahil dun...
"Ahhhh!!!" Malakas na sigaw ko.
Humawak ako sa pisnge ko.
Totoo ba talaga 'to?
Bigla akong napangiti.
Paano ako makakatulog ngayong gabi?
Dapat ba akong magpasalamat sa batang yun dahil sa kanya ay nagawa naming maayos ang matagal na naming mis-understanding at ito magsisimula na uli' kami.
"Girl seryoso?" Gulat na tanong ni Nicole.
Kagabi sinabi ko sa kanya ang nangyari kaya ngayon imbes na umuwi sa condo niya ay dito siya dumiretso after flight.
Tumango ako.
"Oh my gosh! So ano ng mangyayari ngayon?"
Mas excited pa siya kay'sa sakin.
Umiling iling ako. "'Di ko alam."
Gusto ko ding malaman kung ano na nga bang mangyayari?
Bigla siyang napaisip. "Well... Niyaya ka niya na kalimutan ang nangyari sa past at mag-simula uli'? Ta's hinihintay niya ang first love niya?"
Natahimik siya bigla.
"Teka... Hindi ba ikaw ang first love niya?"
Umiling iling ako. "Hindi ako Nicole ibang babae yun."
Wala nga akong maalala na nagkita na kami dati eh...
Pero 'di ko alam. Subra talaga akong nalilito sa mga nangyayari.
Uminom siya ng tubig. "May something kasi eh..." Tumingin siya sakin. "Isipin mo... Bakit ka niya yayayain kung 'di naman ikaw ang first love niya? Tingin mo ba ginagawa ka lang niyang option?"
Umiling iling siya. "I think hindi eh... I think ikaw talaga ang first love niya."
Malakas ko siyang pinalo sa braso. "Matulog kana!"
Tumayo ako at kinuha ang unan t'saka inabot ko sa kanya.
"Zi! Pag-isipan mo!"
Ako?
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...