Chapter 30
Hindi ko inaasahan na darating kami sa puntong ganito.
Yung tipong matagal mo siyang hinanap pero hindi mo siya nagawang matagpuan tapos yung tipong hindi mo na siya gustong makita bigla na lang siyang susulpot ng 'di inaasahan.
Ano 'to? Destiny?
Bakit naman ganun?
Gusto ko ng burahin ang lahat at mamuhay sa bago kung mundo pero bakit?
Bakit kahit imposible ay nagkita pa rin kami sa ganitong ka komplikadong sitwasiyon.
Mabilis akong tumakbo papunta sa bahay namin at sakto namang nakita ko si Yaya Yeng na inaayusan si Zia.
"Zia hindi ka lalabas ng bahay," hinabol ko ang paghinga ko.
Lumungkot ang mukha niya at kahit si Yaya Yeng nagulat din sakin.
"Why mommy?" Tanong niya.
Because your daddy is here at hindi ka niya pwedeng makita.
Mali!
Dahil hindi kayong pwede magkita.
Lumapit ako sa kanya. "Busy kasi si mommy kaya 'di kita ma i-enteratain kaya next time na lang, okay? Pwede ba kahit ngayon lang?"
Malungkot siya na tumango sakin kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Sorry baby...
Gusto lang kitang protektahan.
Pasalpak ako na sumanday sa sofa at napabuntong hininga bago tumingin sa anak ko na malungkot ang 'itsura habang nag lalaro sa may tabi.
"May nangyari po ba ma'am?"
Napatingin ako kay Yaya Yeng.
Meron...
Nakita ko lang naman siya.
Ang nag-iisang taong pinagkatiwalaan ko. Ang nag iisang taong pinaglaban ko. Ang nag iisang taong minahal ko. At ang nag iisang taong ama ng anak ko.
Ngumiti ako. "Nothing... Basta bantayan mo si Zia... Hindi mo siya pwedeng palabasin," paalala ko pa.
Tumango siya bago lumapit sa anak ko.
Napatingin ako sa labas ng biglang tumunog ang phone ko kaya mabilis ko iyong sinagot.
"Hello."
"Ma'am si Donna po 'to balik na po kayo," mahina niyang sabi.
Napakamot ako sa ulo. "Sorry... Babalik na ako."
Tumayo ako at nagpaalam na kay Yeng na aalis na ako kaya naman mabilis akong lumabas at pumunta sa resort tapos nakita ko si Donna.
Lumapit ako sa kanya.
"'Asan na sila?" Tanong ko.
"Nandun po sila kumakain," turo ni Donna sa may food area.
Tumango ako bago pumasok sa may welcome area.
May lumapit na lalaki sa akin.
"Yes, ano pong kailangan nila?" Magalang na tanong ko.
"Humihingi po ng towel yung nasa pool," sabi niya.
Teka siya ba yung kasama ng lalaki kanina?
Tumango ako. "Ipapahatid ko na lang po."
Umalis na ang lalaki kaya naman tumingin ako sa paligid pero 'di ko makita si Donna kaya naman naisip ko na ako na ang magdala dahil malapit lang naman.
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomansaMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...