Chapter 8
Naka-upo pa rin kami hanggang ngayon.
Mas gumaan na ang pakiramdam ko nung nakaiyak ako. Mas maganda talaga kapag naiilalabas mo ang mga hinanakit na matagal mo ng itinatago.
Nahihiya ako dahil nakita ni Zack ang pag-iyak ko kanina pero nagpapasalamat din ako dahil siya ang kasama ko sa mga oras na ito at hindi ako mag-isa.
Pinagaan niya talaga ang pakiramdam ko.
Nakatingin lang kami pareho sa kawalan at walang nag tatangkang magsimula ng pwedeng mapag-usapan.
Napaisip ako bigla.
Paano pala siya napunta sa manila? Hindi niya naman siguro inisip na sundan ako dahil alam niya na may problema ako 'di ba?
Imposible naman na mangyari yun.
"Teka, bakit ka pala nandito?" Tanong ko kaya tumingin siya sa akin.
"Mag-oopen ako ng branch ng cafe dito sa manila," mahinang sabi niya.
Tumango ako.
Sabi ko na.
'Wag ka kasing assuming masakit umasa.
Alangan naman dahil sa akin kaya nandito siya.
Napaka assumera mo kasi Zoey!
"Kung ganun paano ka napunta sa hospital? Malapit ba dito?"
"Hindi..." Tumingin siya sakin. "Sinadya kung puntahan ka dito."
Seryoso akong napatingin sa kanya.
Hindi ako naka imik dahil sa sinabi niya.
Sinadya niya akong puntahan dito?
Seryoso?
Bakit?
Dahil alam niya na mag-isa ako? Ganun ba?
'Di ko naiwasang mapakagat sa labi ko.
"Bakit? Part ba 'to ng pagiging tour guider mo?"
Tumawa siya. "Do you think it is part of my job?"
Umiling iling ako.
Ngumiti siya. "Because I want... No more reason and excuses."
Yumuko ako ng marinig ang sinabi niya at 'di ko napigilan na ngumiti. Parang kanina lang umiiyak ako ta's ngayon heto na kinikilig na naman ako.
Ipinagdarasal ko lang na sana hindi namumula ang pisnge ko ngayon.
"O-Oh!"
Tumawa siya. "Gulat?"
Tumingin ako sa kanya. "Huh?"
He used his finger to pointed my nose.
Hindi ko alam kung paano ako mag-re-react.
What the heck Zack! Ano na naman ang gusto mo!
"You're so cute!" Umiwas siya ng tingin at nilibang ang mata sa tabi.
Umiwas din ako ng tingin at hinawakan ang pisnge.
Ano ba kasing kinain niya at subrang kaartehan ang meron siya ngayon?
"B-babalik na din ako bukas sa probinsiya. I don't have a choice... Yun ang pinaka maganda kung pwedeng gawin."
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
Iisipin ko na lang na yun talaga ang makakabuti sa akin. Kapag nandito ako 'lagi lang akong masasaktan tapos iiyak na naman at paulit ulit lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/372010231-288-k806875.jpg)
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...