Kabanata 5

3.5K 58 25
                                    

ARZI

"Hindi naman masyadong malala ang lagay ni Arziana. Kailangan niya lang talaga mag pahinga at 'wag masyadong maglakad-lakad para mabilis siyang gumaling." 

Namula ang pisngi ko dahil sa narinig sa doctor na pinuntahan namin ni Hegel para patignan ang lagay ko. Akala ko kasi kanina wala lang sa kanya ang sinabi kong masakit pa rin ang pagkababae ko pero heto kami ngayon at pinapatignan niya ako. Mabuti na lang babae ang doctor at matanda na ito kaya hindi nakakahiya.

"It's just small laceration, Mr. Javier. Hindi malala pero masakit pa rin iyon. She's a virgin kaya dapat dinahan-dahan mo lang para hindi kayo umabot sa ganito."

Umikibit balikat ito. "I didn't know, tho."

"Hindi ko po sinabi sa kanya, Doc." Nahihiyang aniko at napa-iwas ng tingin.

"Basta next time pag ginawa niyo ulit iyon siguraduhin niyong dahan-dahanin niyo muna. Right now bawal ka pa muna makipag sex dahil hindi pa fully healed ang vagina mo. It is still red and swollen so you better rest for a few days until you fully recover. Yung sa braso mo naman huwag mo muna iyon pwersahan."

Napatingin ako kay Hegel na ngayon ay nakatingin sa akin. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin dahil nahihiya ako na nasa ganitong sitwasyon kaming dalawa. Ang sabi ko pa naman noon makikipag talik ako sa hindi ko kilala para wala akong maging problema pero heto kaming dalawa at pinapayuhan pa ng doctor sa kung ano ang dapat naming gawin sa susunod.

"Bibigyan ko na lang kayo ng reseta para sa mga gamot ni Ms. Sagrado. Kailangan niya iyon inumin para bumaba na ang lagnat niya." Ani Doktora.

"Okay. Stay here, Arziana." Sabi naman ni Hegel tsaka sumama kay Doc na lumabas dito sa kwarto.

Buntong hininga na lang akong humiga ulit nang naiwan na lang akong mag-isa. Nakasuot pa naman kami pareho ng military uniform tapos nandito kami sa OBGYN nagpapa check-up. Nakakahiya. 

Hindi rin nagtagal bumalik si Hegel dala ang ilang gamot na binili niya. Umupo ako kaya inalalayan niya agad ako.

"Sabi ni Doc mag leave ka daw muna sa duty." Aniya tsaka inabot ang mga gamot sa akin.

Umiling agad ako para hindi sumang-ayon. "Hindi pwede, Hegel. Malalagot ako kay General pag nalaman nilang mag leleave ako."

"But you're sick, Arzi."

"Kaya ko naman. Umalis na lang tayo dito. Pag may nakakilala sa akin dito at nalaman pa 'to nila mommy na pumunta ako sa OBGYN doctor baka isipin nilang buntis ako."

"And so?" Nagsalubong ang kilay niya.

"Nakakahiya iyon para sa pamilya Sagrado. Buntis ako tapos hindi pa ako kasal. Ano na lang ang iisipin nila?"

"Your family is weird, no?"

"Mahalaga lang talaga sa kanila ang imahe ng pamilya namin."

"Oh, so that's the other reason why they insist on arranging this marriage? They want my family to support the Sagrado's so they can be the most powerful in San Diego."

Hindi ako nakapagsalita. Napa-iwas na lang ako ng tingin dahil sa kahihiyan na naman. Totoo naman ang sinabi niya. Ang pamilya Javier kilala dito sa San Diego. Bukod sa amin isa ang pamilya nila sa ginagalang ng marami. May mga naririnig akong magagandang katangian tungkol sa kanila pero hindi ko naman sila nakikita kaya hindi ako pamilyar sa mga mukha nila.

"Cut it. Let's go. Kailangan ko na bumalik sa manila para mag report." Nilahad niya sa harapan ko ang palad niya.

Inabot ko iyon tsaka dahan-dahan na bumaba sa kama. Masakit pa rin talaga pero kaya ko naman maglakad. Nung chineck nga ito ng doctor kanina halos maiyak ako lalo na nung sinabi niyang may konting punit daw sa labia ko.

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon