Kabanata 41

2.4K 59 24
                                    

ARZI

"Kumain ka muna, Captain. Kanina ka pa hindi lumalabas dito sa office mo. Hindi rin kita nakitang kumain sa canteen." Ani Captain Alferez nang makapasok siya dito sa opisina ko.

"Salamat na lang, Captain Alferez, pero busog pa ako." Aniko, hindi man lang nagawang mag-angat ng tingin sa kanya o kaya naman sa dala niyang pagkain.

"Wala pa rin bang balita kay Captain Hegel Javier?"

Natigilan ako sa pagbabasa. Pakiramdam ko maiiyak ako dahil narinig ko na naman ang pangalan niya.

Umiling ako. "W-Wala."

"Mahahanap din siya, Captain." Aniya, sinusubukan palakasin ang loob ko. "Iwan ko na lang 'tong pagkain. Kumain ka, siguradong hindi magugustuhan ni Captain Hegel na nagpapagutom ka."

Tsaka lang ako nag-angat ng tingin sa kanya at napapahikbi. Nagulat pa siya nung makitang paiyak na ako. Hindi niya malaman kung lalapitan ba ako o lalabas na siya.

"Ah, Captain, sorry…"

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang hawak niyang paper bag at umupo sa sofa para doon iyon buksan. Panay ang tulo ng luha ko habang tinatanggalan ko ng takip ang bawat tupperware ng mga pagkain na binili niya.

Ilang araw na ang lumipas pero wala pa rin kaming balita tungkol sa mga sundalong naiwan sa Afghanistan. Si Aera, Bullet at iba pang sundalo lang ang nakauwi sa kanilang lima. Sila Evans, Miggy at Hegel hanggang ngayon hindi pa rin mahanap.

Panay ang iyak ko habang kumakain ako. Hindi na umiimik ngayon si Captain Alferez. Nakatayo lang ito habang nakatingin sa akin.

Nagkulong lang ako sa kwarto pag-uwi ko sa bahay. Dito na rin natutulog si Manang para may kasama ako. Sa sobrang pag-aalala ko kay Hegel halos naubos na lang sa pag-iyak ang oras ko.

Gustong-gusto na namin siyang mahanap pero wala kahit isa makapag turo kung nasaan siya. Ang sabi sa report natabunan daw nung gumuhong building pero… ayaw kong maniwala. Alam kong babalikan ako ni Hegel. Babalik siya sa akin.

Katulad nung mga nagdaang araw na wala si Hegel sa tabi ko, inumpisahan ko na naman ang araw sa pag-iyak. Habang naliligo, habang nagsusuot ng military uniform, habang kumakain at habang nagmamaneho papunta sa headquarters. Tumigil lang ako nung nasa loob na ako ng kampo.

Sakto namang natapos ang firing session namin kasama ang team ko nakatanggap ako ng tawag mula kay Ava.

["Nag file na ng candidacy for mayor si General Sagrado, Arzi."]

Huminga ako ng malalim.

"Talagang tinuloy niya pa rin ang pagtakbo. Ang kakapal talaga ng mga mukha nila."

["Marami pa rin kasing naniniwala sa kanila. Yung iba binayaran, yung iba naman bulag na dahil sinasabi nila na mabuting tao daw ang mga Sagrado. Halos ipakain na nga namin sa kanila yung ebidensya na kasabwat sila sa mga rebelde pero wala pa rin."]

"Eh, paano kung sabihin kaya natin na may inuutusan siya para patayin ang mga nakakabangga niyang malalakas na tao katulad nila Senator Fuentes?"

["Pag ginawa mo 'yan alam mong madadawit ka, 'di ba?"]

Natigilan ako. Alam ko naman iyon. Hindi ko naman nakakalimutan 'yon. Alam ko naman na kasabay ng pagbagsak nila, babagsak din ako. Pero mukang iyon talaga ang kapalaran namin… ang sabay-sabay mapunta sa impyerno.

"Ako na bahala, Ava. Hindi ako papayag na maupo si General sa pwesto."

Pag-uwi ko sa bahay nagpalit agad ako ng suot para umuwi sa San Diego. Nagsuot lang ako ng itim na jacket, pants at sumbrero. Pumarada na lang muna ako sa tabi kung saan malapit sa mansyon at naghihintay sa tamang pagkakataon para pasukin ito.

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon