First Mission

7.2K 87 14
                                    

ARZI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARZI

"Pakitawag lahat ng unit A, kailangan ko sila makausap tungkol sa deployment natin sa susunod na araw." Aniko kay private Contis, isa sa mga ka team ko.

"Copy, Ma'am!" Sabi naman niya at sumaludo sa akin.

Nang tuluyan siyang makaalis dito sa ospina binalik ko na ang atensyon ko sa pagbabasa. Kanina pang umaga masakit ang ulo ko dahil ilang araw na akong walang maayos na tulog. Hindi ko na nga maintindihan kung ano 'tong binabasa ko.

Buntong hininga kong nilapag ang mga papel na hawak ko sa lamesa. Hinilot ko ang batok ko at napapikit habang minamasahe ang parteng iyon. Tumayo ako para kumuha ng tubig na maiinom. Pag nakainom na siguro ako ng tubig mawawala na ang sakit ng ulo ko.

Bago pa man ako makabalik sa upuan ko may kumatok bigla sa pintuan ng opisina ko.

"This is Private Dominic Contis, Captain Javier. Permission to enter the room, Ma'am!" He said from outside the door.

"Come in!" Sabi ko tsaka nagpatuloy na maglakad pabalik sa upuan ko. "Nasabihan mo na ba ang unit A?" Tanong ko nang makapasok siya dito sa loob.

"Yes, Captain. Pinadiretso ko na po sila sa meeting room. Ikaw na lang po ang hinihintay doon, Ma'am."

"Alright," tumayo ako dala ang tubig na kinuha ko kanina. "Let's go. Kailangan ko na kayo ma briefing para sa– ano 'yon?"

Nabaling ang atensyon namin nang makarinig kami ng malakas na dagundong mula sa military helicopter. Mabilis akong naglakad palabas para tingnan kung ano 'yon. Dumiretso kaming pareho ni Contis sa field kung saan nanggaling ang ingay na narinig ko.

Naabutan ko ang ilang sundalo na nagtutumpukan dito sa field habang tinatanaw ang isang pababang military helicopter. Halos mapuwing ako dahil sa hangin na may dalang alikabok mula sa lupa.

Nang bumukas ang pintuan ng helicopter napako ang tingin ko sa mga sundalong lumabas doon. Dala ng malakas na hangin at sikat ng araw nahihirapan akong tingnan kung sino-sino ang mga sundalong iyon.

Muka namang hindi ito importante kaya napagdesisyunan ko na lang umalis at huwag na makiisosyo. Tumalikod na ako at naglakad. Dinaanan ko na rin kung saan nakapwesto si Contis para sabay na kaming pumunta sa meeting room.

"Halika na, Contis. Pumunta na tayo sa meeting room." Sabi ko sa kanya.

"Si Captain Hegel Javier ba 'yon, buddy?" Sabi nung isang sundalo na nasa likod ko.

"Ay siya nga, pre!" Sabi naman nung kausap niya.

Kusang tumigil ang mga paa ko sa paglakad dahil sa narinig. Agad kong nilingon ang ulo ko sa mga sundalong bumababa sa helicopter na ngayon ay naglalakad na. Naniningkit ang mga mata kong tumingin sa gawing iyon dahil halos hindi ko sila mamukaan. Lima silang naglalakad palapit, tatlo ang nasa unahan at dalawa naman ang nasa likod.

Para akong binuhusan ng isang baldeng yelo sa katawan nang mamukaan ko ang isa nilang kasamahan na nasa likod lang kanina ngayon ay nangunguna na sa paglalakad. Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng military jacket ko habang pinapanood ko siyang papalapit sa akin.

Hindi na nawala ang tingin ko sa lalaking nasa unahan. Nakasuot siya ng kumpletong uniporme. May suot din siyang shades at may dalang military bag. Para siyang isang modelo kung maglakad. Naririnig ko pa kung paano mamangha ang mga kasamahan kong sundalo sa kanya.

Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ngayon. Ang tagal na nung huling beses kami nag-usap. Ang tagal na rin nung huling beses kong narinig ang boses niya. Matagal na akong walang kahit na anong balita tungkol sa kanya. Akala ko nga patay na siya dahil kahit isang text wala siyang pinadala.

Huminto sila sa harapan ko. Nakatingin na ang halos lahat ng naritong sundalo dito sa field dahil sa ginawa niya. Halos marinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa presensya niya. Nakatingin siya sa akin ng diretso at ganun din ako sa kanya. 

Binitawan niya sa sahig ang hawak niyang military bag tsaka inalis ang suot na shades. Nakaramdam ako ng kaba nang magsalubong sa unang beses ulit na pagkakataon ang mga mata namin. Kinabahan ako bigla at hindi makapagsalita.

Maloko siyang ngumiti sa akin kaya mas sinamaan ko siya ng tingin.

"Instead of glaring at me you should give me a kiss to welcome your husband, Captain Javier. Kiss is what I deserve from my wife, you know?" 

Nagkantyawan ang mga sundalo na narito dahil sa sinabi niya. Imbes na kiligin sa kanya unti-unting dumaloy ang inis sa loob ko. Humakbang siya palapit sa akin pero natigilan din nang malakas na tumama ang kamao ko sa mukha niya.

"The fuck?!" Nagugulat niyang sabi habang nakahawak sa gilid ng labi niyang nag dugo dahil sa sapak ko. "And what was that for, Mrs. Javier?!"

"Para 'yan sa hindi mo pag-uwi sa akin ng isang buwan!" Sigaw ko bago siya tinalikuran at iniwan.

Umiiyak akong naglakad pabalik sa opisina ko. Ang tagal-tagal kong naghintay at naghanap sa kanya tapos ngayon babalik siya sa akin ng ganun-ganun lang?! Hirap na hirap ako noong wala siya sa tabi ko tapos hihingi siya ng kiss na para bang wala siyang ginawang mali! Nakakainis ka, Hegel!

Kung mauulit lang talaga ang panahon, hinding-hindi ako magpapakasal sa kanya...

Soon….

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon