Kabanata 6

3.2K 48 23
                                    

ARZI

"Ahh, kaya pala mabait siya sa akin..." 

Walang gana akong tumayo para lumabas na sa pinagtataguan ko dito sa ilalim ng hagdan. Nilingon ko ang daan kung saan sila nagpunta. Mula dito sa kinatatayuan ko pinapanood ko silang maglakad palayo. Nasa unahan siya habang katabi niya ang sundalong medyo mahaba ang buhok. Sa likod naman niya naroon ang dalawa pang sundalo na abala sa pag-uusap. 

Imbes na bumalik sa opisina ni Hegel tumuloy na lang ako papunta sa likod. Mas malaki ang kampo na ito kumpara sa kampo namin sa San Diego. Nang makitang may puno at bench na pwedeng pag tambayan doon na ako dumiretso. 

Walang kahit sino ang nandito. Tahimik na tahimik at malilim pa. Malakas ang hangin kaya masarap tumambay. Pag-upo ko sa bakanteng upuan kinuha ko ang cellphone ko para mag-iwan ng mensahe kay Major. Alam kong galit na galit na iyon ngayon kaya iiwanan ko na lang siya ng message. 

To: Major 

Pasensya na po kung umalis ako ng hindi nagsasabi. Kasama ko po ang anak ni General Javier. Babalik po kami agad pag natapos niya ang gagawin niya dito sa Manila. Huwag ka pong mag-alala, matutuloy po ang kasal. 

Napabuntong hininga ako pagkatapos isend ang message na iyon. Pinatay ko na ang cellphone ko para hindi na ako makatanggap ng mensahe galing sa kanila. Gusto kong namnamin ang bawat minuto na narito ako at hindi ko sila kasama. Minsan lang 'to mangyari kaya pagbibigyan ko na ang sarili ko. 

May biglang tumikhim sa likod ko. 

"Excuse me, are you Captain Hegel's–" 

Agad akong napalingon dahil sa boses ng lalaki. Kinakabahan akong napatayo at nahiya bigla dahil isang sundalong lalaking narito ngayon. 

"Yeah, it's definitely you." Dugtong niya. 

Napa-iwas ako ng tingin para tingnan kung may ibang tao pa ba dito pero kaming dalawa lang. Siya yung isa sa sundalong kasama ni Hegel kanina. Wala akong alam sa mga gupit ng mga lalaki pero sigurado akong Mullet ang tawag sa gupit niya. Maputi siya at matangkad. Gwapo rin naman siya pero hindi naman katulad niya ang mga tipo ko. 

"Hegel is looking for you. Wala ka sa office niya kaya pinahanap ka niya sa amin agad." Aniya habang naglalakad palapit sa akin. 

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makalapit sa akin. Nangunot pa nga ang noo niya sa akin siguro dahil wala akong imik sa kanya mula pa kanina. 

"Are you… mute?" He tried not to sound disrespectful but he failed. 

Umiling agad ako. "Hindi."

"Yeah, I'm sorry." He said in disbelief. 

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang sa marating ng mata niya ang parte ng uniporme ko kung saan nakalagay ang ranggo ko. Nanlaki pa ang mata niya nang makita iyon. 

"Fuck! I mean, I'm sorry– what the fuck?!" Natataranta niyang sabi dahil muntik na siyang matapilok nang humakbang siya ng isang beses para sana tumayo ng tuwid para sumaludo sa akin. 

"Ano… a-ayos ka lang ba?" Kabado kong tanong sa kanya. 

"I'm fine." Tuluyan na siyang sumaludo sa akin. "I'm 1st Lieutenant Bullet–"

"Hindi, 'wag mo na gawin 'yan!" Binaba ko ang kamay niya para pigilan siya sa ginagawa niya. "Hindi mo na kailangan gawin 'yan dahil hindi naman ako dito naka duty." 

"But–"

"Ayos lang naman sa akin 'yon." Pinigilan ko ulit siya. "Ako nga pala si Arziana Sagrado," inabot ko ang isa kong kamay sa kanya. "Nabanggit na siguro ni Hegel ang tungkol sa akin…" 

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon