ARZI
Pag gising ko kinaumagahan wala na si Hegel sa tabi ko. Wala akong ideya kung pumasok ba siya sa trabaho o nasa baba lang. Hindi niya ako ginising at hindi ko rin naramdaman na umalis siya.
Dumiretso ako sa bathroom para umihi. Pag pasok ko pa lang napansin ko na ang mga bagong nadagdag sa mga gamit. Dalawa na ang toothbrush at may mga pambabaeng sabon, shampoo at conditioner. Meron rin lotion at iba pang skin care na nakalagay katabi ang mga skin care niya.
Napangiti ako. Kagabi lang tinatawanan niya ako dahil amoy lalaki daw ako tapos ngayon binilhan niya na ako. Mabait talaga siya kahit na minsan mapang-asar siya.
Umihi muna ako bago naghugas para makapag hilamos. Nag toothbrush na rin muna ako. Napagpasyahan ko na rin maligo muna bago ako bumaba para hindi ko na ito iisipin mamaya.
Mababango ang pinili niya para sa akin. Hindi ito masakit sa ilong kaya gustong-gusto ko. Mabilis lang akong naligo dahil nararamdaman kong kumukulo ang tiyan ko sa gutom. Alas nueve na kasi ng umaga at sanay akong kumakain ng almusal ng alas syete.
Sinuot ko na lang muna ang light pink dress na halos umabot na sa sakong ang haba. Plain lang iyon pero muka pa rin iyong elegante. Mabuti na lang may strapless bra na binili si Aera kaya iyon na lang ang sinuot ko dahil mas maayos iyon ipartner sa dress na susuotin ko.
Nag blower lang din muna ako ng buhok bago tuluyang lumabas ng kwarto. Masaya ako dahil wala na akong sakit ngayon. May kirot man ang bandang ibaba ko hindi na iyon ganun kasakit ngayon. Kaya ko na iyon tiisin at sigurado akong gagaling na rin iyon ng tuluyan sa susunod na mga araw.
Tama nga ako na wala si Hegel dito sa bahay. Si Mang Sally lang ang narito at isa pang kasambahay. Medyo nalungkot ako dahil hindi man lang ako ginising ni Hegel. Sana ginising niya ako para naasikaso ko siya.
"Kape ba ang gusto mo, Arzi?" Tanong ni Manang.
"Opo, salamat po." Nakangiti kong sagot habang umuupo ako dito sa kitchen island chair.
"Sige igagawa kita agad." Nagmamadali siyang pumunta sa coffee maker para gawan ako ng kape. Ako naman pinapanood siyang gawin iyon. "Maagang umalis si Hegel kanina. Sabi niya may meeting lang siya pero babalik daw siya pagkatapos. Hindi ka niya pinagising dahil masarap daw ang tulog mo." Aniya at napangiti.
"Ganun ho ba? Kaya siguro hindi ko man lang siya naramdaman umalis kanina dahil siguro sa sarap ng tulog ko… mga anong oras po kaya siya babalik?"
"Ang sabi niya dito siya magtatanghalian."
"Ah, ahm… alam mo po ba kung ano ang paboritong ulam ni Hegel?"
"Paglulutuan mo siya?" Namamangha niyang sabi. Lumapit siya sa akin dala ang ginawa niyang kape. Nahihiya naman tuloy akong ngumiti sa kanya.
"Nag sabi po ako kagabi na paglulutuan ko siya."
"Mahilig si Hegel sa Afritadang manok. Kung ipagluluto mo siya ihahanda ko na ang mga ingredients na gagamitin mo."
"Sige po, Manang. Salamat po."
Naexcite tuloy ako dahil ito ang unang beses na gagawin ko ito. Pagkinasal na kami ni Hegel ang pagsilbihan siya ang isa sa mga gawain ko biglang asawa niya. Gusto ko siyang asikasuhin dahil isa iyon sa gusto kong gawin.
Pagkatapos ko mag almusal inasikaso ko agad ang lulutuin ko. Tumulong na ako kay Manang sa paghahanda ng mga ingredients. Ako na ang nag balat ng carrots at patatas habang si Manang Sally naman ang balaha mag hiwa ng sibuyas, bawang at iba pang kailangan hiwain.
"Ayos ka na ba dito mag-isa?" Naghugas ng kamay si manang matapos mag hiwa.
Tumango ako. "Opo. Salamat po sa tulong mo. Kung may iba ka pa pong gagawin gawin mo na lang po iyon."
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...