Kabanata 19

2.8K 49 8
                                    

ARZI

Habol-habol ko ang paghinga ko nang iangat ng lalaki ang ulo ko mula sa ilalim ng tubig sa drum. Hawak-hawak ako nung lalaki sa buhok habang ako naman hirap na hirap habulin ang paghinga dahil sa pagkakalunod sa akin.

"Isa pa." Utos nung pinuno.

Humigit muna ako ng malalim na paghinga bago ako tuluyang malublob ang mukha ko sa drum. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak sa akin pero dahil kanina ko pa nagamit ang lakas ko nanghina lang ako.

"Tama na! Tama na!" Hirap na hirap kong sabi nang iangat muli ang ulo ko.

Kumapit ako sa drum para balansehin ang sarili. Nanghihina akong natumba sa lupa nang bigla akong bitawan nung lalaking may hawak sa akin.

"Ano na ang gagawin natin sa kanya, Pinuno?"

Napapikit akong humawak sa bandang dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Simula kaninang dumating kami puro pagpapahirap na ang pinaranas nila sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako. Piniringan nila ang mata ko habang papunta kami dito sa ruta nila. Ang tanging alam ko lang wala silang kapitbahay. Madilim at masukal ang daan.

"Hoy ikaw!" Mahigpit akong hinawakan nung pinunu nila sa braso at malakas na hinila patayo.

Napainda ako sa ginawa niya. Imbes na bitawan ako mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa akin.

"Sabi ko naman sayo, 'di ba? Sulit ang buhay mo bilang kabayaran sa atraso ng pamilya sa akin." Aniya at agrisibo akong hinawakan sa baba. "Huwag kang mag-alala, hindi naman kita bibiglain. Dahan-dahan lang para mas ramdam ng pamilya mo."

Sinalubong ko ang tingin niya tsaka sarkastikong ngumiti sa kanya.

"Wala ka namang mapapala sa akin. Dahan-dahanin mo man ako o biglain wala namang iiyak na Sagrado para sa akin."

Iyon naman talaga ang totoo. Siguro si Kuya Zandriel malulungkot pero sandali lang. Si General? Syempre wala iyong reaksyon. Si Major naman, sigurado akong mas masaya siyang mabalitaan na wala ako.

"Talaga? Halos ipapagpag ng tatay mo ang buong San Diego sa pagpapahanap sayo. At kung natagalan pa tayo kanina sa daan sigurado akong nahanap ka na nila at napahamak pa kami."

Masama akong tumitig sa kanya dahilan para mas magalit ito sa akin. Hinawakan niya ako sa mukha ng mahigpit at sinabunutan.

"Pagbabayaran ng pamilya mo ang—"

"Anong nangyayari dito?!"

Bumukas ng malakas ang pintuan at pumasok doon ang ilang mga lalaki. Agad akong binitawan nitong pinunong tinatawag nila na tila ba'y natakot bigla sa dumating na mga lalaki.

"Anong ginagawa mo, Lucio?!" Galit na tanong nung lalaking matanda na nasa unahan.

Nakasuot ito ng pula na may itim na bandana. Sakto lang ang heights niya at katawan. May katandaan na ito pero halata sa pangangatawan ang kakisigan at kaliksihan.

Lumapit ito kay Lucio at biglang kwenelyuhan.

"Anak ni General Sagrado 'yan!" Aniya at biglang sinapak si Lucio.

Napasalampak sa sahig si Lucio habang hawak-hawak ang gilid ng labi niya. "Pinuno…" usal niya, natatakot.

Nangunot ang noo ko. Pinuno? Hindi ba itong si Lucio ang pinuno nila? Bakit tinawag niya ring Pinuno itong bagong dating?

Tumayo yung Lucio pero kwenelyuhan na naman ito nung matandang bagong dating. Matalim ang tingin kay Lucio na para bang nakagawa ito ng pinakamalaking kasalanan sa grupo nila.

"Alam mo ba kung sino ang pumoprotekta sa atin kaya tayo nakakalabas pasok dito sa San Diego?"

Umiling ito, "H-Hindi po, Pinuno."

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon