Kabanata 46

2.5K 66 19
                                    

ARZI

["Hawak ko ngayon ang mag-asawang Javier, Arziana. Pag hindi ka nakipagkita sa akin, alam mo na ang kalalagyan ng buhay ng mga magulang ng asawa mo."]

Nanigas ako sa kinatatayuan ko matapos marinig ang sinabi ni General Sagrado sa tawag. Nagkatinginan kami ni Hegel, Ava, at Sir Ismael.

Pagkatapos ng nangyari kanina mas lalong hindi pumayag si Sir Ismael na paalisin kami sa interrogation office. Sakto namang pumasok ulit kami sa loob nakatanggap ako ng tawag mula kay General Sagrado.

["Maghihintay ako sayo... anak."] Aniya at pinatay ang linya ng tawag.

"What the fucking hell he's talking about?!" Nanlalaki ang mata na tanong ni Hegel. "Hawak niya si daddy at mommy?!" Napahampas siyang bigla sa lamesa.

"Hegel, calm down..." ani Sir Ismael kaya mas lalong nangunot ang noo nito.

"How can I fucking calm down, ninong? Hawak ng baliw na 'yon ang mga magulang ko. How can I calm down?!"

"I understand you, Hegel! Pero kailangan mong ikalma ang sarili mo para makagawa tayo ng paraan para maligtas si General Javier at Mrs. Susan Javier."

"Hayaan niyo akong pumunta sa kanya."

Napatingin silang tatlo sa akin matapos marinig ang sinabi ko.

"No!" Angal agad ni Hegel na inaasahan ko talagang gagawin niya.

"It's dangerous, Arzi!" Pati si Ava hindi pumayag.

"You can't go there alone, Captain." Sabi naman ni Sir Ismael. "Bukod pa doon, hindi ka pa pwedeng umalis dito. You're suspended."

"Ano?" Gulat kong tanong dahil wala akong alam sa huling sinabi niya.

"You're suspended. I already talked to your commander. Hindi ka makakasama sa deployment sa Pantabang province because you are suspended."

"Pero ano po ang dahilan?" Tanong ko.

"You know the reason, Captain Arziana. Kailangan mo muna malinis ang pangalan mo bago ka bumalik sa serbisyo."

Sandali akong natigilan. Sa huli, kailangan ko pa rin talaga pagbayaran ang mga ginawa ko kahit na pilit na akong nagbabago.

"Sige," aniko at tinignan sila isa-isa. "Ikulong niyo ako pagkatapos kong mahuli si General William Sagrado at Major General Diana Sagrado." Aniko, sinusubukan makipag negosasyon.

"No again, Arziana!" Si Hegel na naman ang unang nagreak.

"Did you just confess your sin, Captain Javier?" Nahuli na ako ni Sir Ismael.

Hindi ako kumibo. Hindi nagbago ang reaksyon ng mukha ko. Kahit anong tago ko dito malalaman at malalaman din nila ito kaya wala nang dahilan pa para tumanggi.

"Uulitin ko, Sir... Ikulong mo ako pagkatapos kong mahuli ang mag-asawang Sagrado."

"No is a no, Arziana Javier!" Tumanggi na naman si Hegel.

Napabaling ako sa kanya. Halos hindi na maipinta ang mukha niya. Alam kong galit na galit ito ngayon dahil sa nangyari sa mga magulang niya at dumagdag pa ako sa dahilan kung bakit galit siya.

"Hegel naman..." lumaylay ang balikat ko. "Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang mga magulang mo."

"I can handle them, Arziana. Umupo ka lang dito at hindi ka lalabas." May diin niyang sambit.

"Pero kailangan kong--"

"You're not meeting them, Arziana. You're not leaving my sight, dito ka lang at hindi ka aalis."

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon