ARZI
"Hegel, uulitin ko sayo, hindi ako mabuting tao. Hindi ako malinis. May bahid na ng mga dugo ang mga kamay ko. Sundalo nga ako pero yung mga ginawa ko—-"
"It's not your fault, Arziana." Pagpuputol niya sa sinasabi ko. Huminga ito ng malalim. "You're a victim here. They abused and manipulative you, darling. Pinilit ka nilang gawin 'yon kahit na ayaw mo. Hindi ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to sayo. Yung mga Sagrado, sila ang may kasalanan dito, and I will make them pay for ruining your life."
Umiling ako. "Hindi, Hegel."
Natigilan siya. Nangunot ang noo nito sa akin dahil sa pagkalito.
"What do you mean?"
"Hindi ikaw ang maniningil sa kanila, Hegel…" mahinang aniko. Agresibong gumalaw ang panga ko dahil sa panggigigil. "Dahil ako mismo ang papatay sa kanila." May diin kong dugtong.
"Darling…"
"Hindi sapat na sunugin lang ang bahay nila, Hegel. Ginawa nila akong kriminal? Pwes ipapakita ko sa kanila kung anong klase akong kriminal."
Kasabay ng pagtapos ko bitawan ang mga salitang iyon tumulo ang luha ko. Walang ibang nararamdaman ang puso ko kundi galit sa kanila. Wala na akong maramdaman na awa o utang na loob dahil sa pagpapalaki nila akin. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makaganti.
"Sisiguraduhin kong mamamatay sila sa kamay ko at uunahin ko munang sirain ang reputasyon nilang lahat..." Aniko at sarkastikong napangiti.
Paglabas namin ng hospital sinabi ko kay Hegel na dumiretso kami sa mansyon kung saan naroon sila General at Major na buhay na buhay pa rin. Gusto ko silang makita at gusto kong marinig ang mga nakakasuka nilang kasinungalingan na sinasabi sa mga reporters.
Pagpasok namin sa gate may ilang mga reporters na ang naroon. Nagsasalita si Major nang mapunta sa gawi namin ni Hegel ang tingin nito. Natigilan siya bigla at bumulong kay General dahilan para mapunta naman ang tingin nito sa amin.
Unang bumaba ng kotse si Hegel bago ako pinag buksan ng pinto. Hindi pa ako nakakalabas ng kotse umaapaw na sa galit ang puso ko.
Lumapit sa akin si Hegel tsaka bumulong.
"Hindi ka nila masasaktan habang nandito ako."
Napangiti ako sa kanyang tumango bago tuluyang lumabas ng kotse. Napunta sa amin ang atensyon ng ilang reporter kaya naglapitan iyon sa amin. Lumapit na rin ang ilang sundalo na nakapaligid sa lugar para harangin ang mga reporters na makalapit sa amin.
"Ma'am ano pong masasabi niyo tungkol sa nangyaring sunog sa mansyon niyo?"
"May ideya po ba kayo kung sino ang may gawa nito?"
"Ang sabi po ni Major Sagrado sinadya daw ang sunog, tingin mo po ba kagagawan ito ng mga taong makakalaban ni General Sagrado sa darating na eleksyon?"
Wala ako naging komento sa mga tanong nila. Nang makalapit kami kay General at Major pareho kaming sumaludo ni Hegel kahit na labag iyon sa mga kagustuhan namin.
"D-Daddy, mommy…" aniko at bumeso sa kanilang dalawa. Pilit akong ngumiti dahil sa mga camera na nakatutok sa amin. "Mabuti po ligtas kayo…"
"Anak," yumakap sa akin si mommy tsaka pekeng ngumiti at humarap sa mga reporters. "Heto nga pala ang bunso kong anak, heto naman ang asawa niyang si Captain Hegel Javier. Narito sila para syempre alamin ang lagay namin ni General."
"Ma'am, ano po ang masasabi niyo tungkol sa nangyari?" Tinutok sa akin nung isang reporter ang mic. "Halos natupok ng apoy ang kalahati ng mansyon. May ideya po ba kayo kung sino ang may kagagawan nito?"
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...