ARZI
"Uuwi na tayo?" Tanong ko kay Hegel habang naglalakad kami palabas ng munisipyo.
"Hindi. I booked a hotel nearby. Doon muna tayo. Bukas na tayo uuwi."
"Ayos lang kaya 'yon?" Nag-alala ako bigla. "Sa linggo na ang kasal natin. Kung bukas pa tayo uuwi baka naman mapagalitan tayo pareho ng mga magulang natin."
"Of course it's alright, Arzi!" Sigaw ni Ava mula sa likod. "Mag honeymoon kayo kahit saan niyo gusto. Bukas na kayo umuwi."
Sumang-ayon naman sa kanya sila Aera. Siguro nga ayos lang iyon. Tutal sinabi na rin naman nila na handa na ang lahat para sa kasal kaya wala na rin naman kaming gagawin. Hindi rin naman sinabi sa akin nila Major ang ganap sa magiging kasal namin.
"Teka, teka!" Nagmamadaling lumapit si Ava sa kotse niya at may kinuha doon. "Here's my gift…" inabot niya sa akin ang isang CD.
"Hoy ano yan bold?" Malokong tanong ni Miggy.
"Hindi, pero marami akong CD ng bold sa bahay gusto mo sabay tayong manood?" Nanghahamon naman na sagot ni Ava sa kanya.
Nanlaki ang mata ko.
"Ava!"
"What the–" natatawang tumingin si Hegel kay Miggy.
Napamura na lang si Bullet at Evans habang si Aera natatawa kay Miggy. Si Miggy naman parang namutla bigla. Si Ava tuwang-tuwa pa. Napailing ako. Kahit kailan talaga itong si Ava walang preno ang bibig.
"Pasensya ka na kay Ava, Miggy. Ganyan kasi talaga magsalita 'yan." Aniko at sinamaan ng tingin si Ava.
"What? I just answered him, Arzi. Napaka mo." Inirapan niya pa ako.
"Sus! syempre gusto rin naman yun ni Miggy, Ava." Sabat ni Aera sabay hampas sa braso ni Miggy.
"Tanga hindi! Bobo mo, Aera!" Angal agad ni Miggy.
"Shut up, Miggy! We know you." Nang-aasar naman na sabi ni Bullet.
"Tanga ka ba? Issue 'to…"
"Fuck you, Migs, I know you love watching porn." Sumabay pa talaga itong si Evans.
"Hey…" kinalabit siya ni Ava.
"Ay puta!" Nagugulat na sabi ni Miggy napahawak pa siya sa dibdib niya at umatras ng kaunti. "B-Bakit?"
Humakbang naman palapit sa kanya si Ava. Pigil na pigil ang paghinga ni Miggy. Nagtatawanan na sila dahil sa reaksyon niya. Hindi ko malaman kung natatakot ba siya kay Ava o nahihiya, o baka pareho? Kawawa naman si Miggy.
"Call me." At talagang kumindat pa siya kay Miggy!
Napailing na lang ako. Si Hegel nakikitawa at nakikiasar din sa kanila. Nakahanap na naman ng bagong pagtitripan itong si Ava. Nakakaawa lang dahil si Miggy ang nakita niya.
Muling tumingin sa amin ni Hegel si Ava. "Hindi 'yan bold, don't worry. Panoodin niyong dalawa 'yan ah. Maganda 'yan." Aniya at ngumiti.
"Wala akong tiwala sayo, Ava." Aniko.
"Oa mo, Arziana! Dapat sa sunday ko pa 'yan ibibigay kaso lang nagpakasal na kayo ngayon. Mga video greetings lang naman 'yan."
"Sigurado ka?"
"Oo nga!"
Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan niya ako ng kilay.
"Umalis na kayong mag-asawa. Ako na bahala sa kanila. Naka day off ako kaya isasama ko sila sa pupuntahan ko." Wika niya pa.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...