ARZI
"Tabi tayo." Nakangiting wika sa akin ni Hegel.
"Hindi na, doon na lang ako sa dulo." Tanggi ko at dumiretso na sa pinakadulong upuan dito sa van.
Pag-upo ko nakita kong nakatingin pala silang lahat sa akin. Si Miggy nagpapalit-palit ang tingin sa amin ni Hegel. Si Evans na nasa driving seat at Bullet na nakaupo sa passenger seat natatawa habang nakatingin sa amin mula sa front mirror. Si Aera naman ay parang nang-aasar pa kay Hegel.
Naka-upo siya sa first row ng upuan dito sa van. Pinili ko ang pinaka dulo dahil ayaw ko siyang katabi. Naiinis ako sa kanya dahil simula kanina nung nag-usap kami parang hindi na niya akong sineseryoso. Masaya pa ata siya na ganito ang nararamdaman ko.
Umupo sa tabi ko si Aera.
"Tabi na tayo, Arzi." Aniya.
"Sige." Nakangiting sabi ko tsaka umusog ng konti para makaupo siya.
Kanina pag dating ni Aera may dala siyang mga damit para ipahiram sa akin. Paano ba naman kasi lahat ng pinabili ni Hegel sa kanya kanina puro dress at wala man lang iyon kahit na pants or pwede kong masuot sa ganitong lakad. Mabuti na lang kasya sa akin ang pinahiram niyang tactical pants at racerback tank top na pinartneran ng itim na jacket.
Hindi ko kasi pwedeng suotin ang military uniform ko lalo na daw na secret mission ito. Binigyan din nila ako ng bullet proof vest pero hindi nila ako binigyan ng baril. Yung baril ko naiwan sa kotse ko. Wala akong dalang kahit na ano nung pumunta kami dito kaya naiinis tuloy lalo ako.
"Aera salamat nga pala ulit sa pagpapahiram sa akin ng mga damit mo." Aniko.
Agad na dumaloy ang ngiti sa labi niya. "Ilang beses ka na nag thank you, Arzi! Okay lang 'yon! Kahit bigay ko pa sayo lahat ng damit ko, eh."
"Hayaan mo, Aera, pag pumunta ka sa San Diego kahit anong damit ko pwede mong hingiin. Kahit iyong mga mamahalin ayos lang."
Napalitan ng pagkamangha ang reaksiyon niya sa akin.
"Mayaman ka siguro no?"
"Siguradong mayaman si boss madame! Yung mga mayayaman lang naman ang mga pinagkakasundo sa kasal, eh." Sabat ni Miggy.
"Ang pamilya ko lang ang mayaman, Miggy, hindi ako." Iyon naman talaga ang katotohanan. Ang sahod ko ang ginagamit ko para bilhin ang mga gusto ko. Sobrang bihira ko lang gamitin ang pera nila Major at General dahil pakiramdam ko wala naman akong karapatan gamitin iyon.
"Grabe talaga 'yung mga mayayaman no? Ang hilig nilang gawin yung mga arrange- arrange marriage na 'yan…" tumingin sa akin si Miggy. "Bakit ka pumayag, Boss Madame?"
"Kasi wala siyang magagawa." Si Hegel ang sumagot.
Tumingin kami sa kanya. Tumayo ito mula sa kinauupuan niya at lumapit sa amin ni Aera.
"Alis. Ako dapat ang katabi ng mapapangasawa ko." Aniya kay Aera.
"Possessive, ah?" Taas kilay na sabi ni Aera bago tumayo para lumipat ng pwesto.
"Tsaka hindi na siya pwedeng tumanggi. Kailangan niya ako." Dugtong pa ni Hegel nang maka-upo siya sa tabi ko. "Kailangan niya ako para makaalis na siya sa puder ng mga magulang niyang pinaglihi sa sama ng loob." Tumingin pa siya sa akin pagkatapos sabihin iyon.
"Evil parents?" Boses iyon ni Bullet mula sa passenger seat.
"Mas malala." Sambit naman ni Hegel.
"Lucifer?" Si Evans naman ang narinig ko. "Demonyo na nagkatawang tao?"
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...