ARZI
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Unang dumako ang tingin ko sa puting kisame at puting ilaw. Nang tumingin naman ako sa gilid, nakita ko si Hegel na nakatayo sa harap ng bintana habang nakatunghay sa labas.
Buhay ako…
"Hegel…" halos pabulong ko na lang iyon naisambit.
Agad siyang napalingon sa akin na may gulat sa mga mata. Inabot ko ang isa kong kamay sa kanya kaya nagmamadali siyang lumapit sa akin para abutin ang kamay ko.
"Darling…" pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng mukha ko. "Thank God you're awake!" Aniya at niyakap ako.
"Ah!" Napainda ako dahil sa kirot na naramdaman ko sa likod at balikat. Humiwalay agad siya sa akin ng yakap at nag-aalala akong tinignan.
"I'm sorry, darling! I'm sorry…" natataranta niyang sabi.
"Ayos lang," mahina kong sabi at napangiti.
"I just missed you so much. Dalawang araw kang hindi gumising."
"Dalawa?" Nangunot ang noo ko. "Malala ba ang tama ng bala sa likod ko?"
"Tatlong bala ang nakuha sa katawan mo. Isa sa balikat, dalawa naman sa likod."
"Oh," hindi ko mapigilan matawa. Nagsalubong naman ang kilay niya. "Nagdasal ka siguro ng sobra kaya hindi pa ako kinuha sa'yo, 'no?"
Sumeryoso ang reaksyon nito kaya naglaho ang ngiti ko.
"I even kneel In-front of the altar, Arziana. I was so scared, you know? Akala ko hindi ka na babalik sa akin."
Nakonsensya naman tuloy ako bigla. Siguro nga grabe ang pag-aalala niya sa akin. Naalala ko pa ang iyak niya nung huli bago ako tuluyang nawalan ng malay. Ang sakit-sakit sa puso. Baka hindi ko mapatawad ang sarili ko kung mangyari ulit 'yon sa kanya dahil sa akin.
"P-Pasensya na, Hegel." Aniko na nagpalambot ng tingin niya sa akin. "Pasensya na talaga sa lahat ng nagawa ko. Hindi ko gustong idamay ang kahit na sino dito. Hindi ko gustong mapahamak ang mga magulang mo dahil sa akin. At lalong hindi ko gusto na nalulungkot ka ng sobra dahil sa akin."
Tumulo pababa ang ilang luha galing sa mata ko. Pinunasan niya agad iyon gamit ang hinlalaki na daliri at umiling.
"Stop saying sorry, Arziana. Paulit-ulit ko naman sinasabi sa'yo na it's not your fault. Whatever happened, hindi mo 'yon kasalanan."
"Kahit na 'yan ang pinaniniwalaan mo gusto ko pa rin humingi ng pasensya, Hegel. Nakokonsensya kasi talaga ako sa nangyari. Napakabuti niyong lahat sa akin pero nagawa ko pa rin kayong ipahamak. Pangako, hindi na 'yon mauulit."
"Ah, fuck! Cut it, Arziana!" Pinunasan niyang muli ang tumulong luha sa mata ko. "Stop thinking about that. You need to rest. Magpahinga ka para lumakas ka na agad so I can date my wife whenever I want."
"Talaga idi-date mo ako?" Naging excited tuloy ako biglang gumaling.
Tumango naman siya. "Hmm… kaya bilisan mo na magpagaling para makapag date na tayo."
Natigilan ako bigla nang maalala ko ang kalagayan niya. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin dahil sa biglang pagbabago ng reaksyon ko.
"What?"
"Yung alaala mo hindi pa rin ba bumabalik?"
Hindi agad siya sumagot kaya kinabahan ako. Nagtitigan pa kami ng ilang segundo bago ito unti-unting ngumiti.
"I remember everything na, wife!" Masaya niyang sabi na nagpawala ng kaba ko.
"Talaga? Totoo?"
"Yes. It's back! Naaalala ko na lahat. I remember everything about you, darling…"
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...