Kabanata 9

1.9K 41 13
                                    

ARZI

Tahimik lang ako habang nakikinig kila Hegel at mga kasamahan niya sa importanteng pinag-uusapan para sa misyon nila. Sabi ko ka nga kay Hegel sa taas na lang muna ako para hindi ako maka-abala pero gusto niya dito lang ako para daw hindi ako mag-isa.

Gusto kong makinig sa pinag-uusapan nila pero lumilipad naman ang isip ko sa mga sinabi sa akin ni Major kanina sa tawag. Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng kirot sa puso lalo na't ginising ako ng mga salita niya sa katotohanan.

Kay Hegel na mismo nanggaling na kaya niya ako pakakasalan dahil naaawa siya sa akin at iyon din ang sinabi ni Major. Siguro nga kailangan ko na tanggapin na wala nang mas malalim na patutunguhan ang kung ano man meron kaming dalawa.

Magpapakasal kami at hanggang doon lang 'yon. Hindi na siguro dapat ako mag-isip na magugustuhan ako ni Hegel lalo na ngayon na alam kong may nagugustuhan pala siyang iba.

Tumayo ako kaya nabaling sa akin ang atensyon nilang lahat. Nagtatanong ang mga mata ni Hegel sa akin kaya ngumiti ako.

"Nauuhaw ako." Sabi ko sa kanya.

"I'll get water for you…" boluntaryo niya.

Umiling ako.

"Hindi na, Hegel. Kaya ko na. Ituon mo na lang ang atensyon mo sa ginagawa niyo. Babalik naman ako pagkatapos kong uminom."

"Are you sure?"

"Oo…"

"Okay, dahan-dahan sa paglakad." Paalala niya.

Tumango lang ako sa kanya bago naglakad papunta sa kusina.

"Bakit, bossing, pilay ba siya?" Narinig ko pang tanong ni Miggy.

Hindi ko na narinig ang sinagot ni Hegel dahil mabilis kong narating ang kusina. Pagpasok ko pa lang sa loob may naabutan akong matandang babae na naghihiwa ng sibuyas. 

"Hello po…" bati ko dahil hindi niya ako napansin na dumating.

Nag-angat ito ng tingin sa akin. Nang magkasalubong ang tingin namin nanlaki pa ang mata niya na animo'y nagulat sa akin.

"Iinom lang po sana ako–"

"Ikaw nga ba talaga 'yan? Ang laki-laki mo na…" naisual niya, napatakip pa sa bibig.

"P-Po?" Tama ba ang rinig ko o nahihibang lang ako?

"Ah wala, Ma'am!" Umiling ito na para bang ginigising niya ang sarili niya. Binaba niya ang hawak na kutsilyo at naghuhas ng kamay. "Iinom ka ng tubig? Saglit ikukuha kita…" natataranta siyang kumilos.

"Manang ako na lang po. Ayaw ko po na abalahin ka pa. Ipagpatuloy mo na lang po ang paghihiwa mo." Lumakad ako palapit sa kanya para kuhain ang hawak niyang pitchel at baso. "Pasensya na ho sa abala…"

"H-Hindi ayos lang!" Aniya, tumitig pa siya sa mukha ko. 

Hindi naman siguro ako nahihibang pero may namumuong luha sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Mayamaya nag-iwas siya ng tingin para punasan ang luha niya.

"Ayos ka lang po ba?" Nag-aalala kong tanong.

Tumango siya. "Oo. Pasensya na, Ma'am. May naalala lang ako."

"Ah," nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi may nagawa akong hindi maganda sa kanya. "Ako nga pala si Arziana. Arzi na lang po ang itawag mo sa akin."

"Arziana pala ang pangalan na dinadala mo…"

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Opo. Iyon po ang pangalan na binigay sa akin ng mga magulang ko."

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon