ARZI
"Kanina ka pa tahimik. Ano na naman 'yang iniisip mo?"
Napabaling ako kay Hegel at umayos ng upo. Pabalik na kami ngayon sa kampo para makapag report kay Sir Dela Masa tungkol sa nangyari sa akin.
"May naisip lang ako pero hindi naman importante, Hegel."
"What is it?" Tanong niya, hindi ako nililingon.
Napalingon ako sa mga kasamahan namin na narito sa loob ng military truck Nasa harap kami sumakay kasama ang nagmamaneho. Sila Aera, Miggy, Evans, Bullet at Ava naman sa likod kasama ang iba pang sundalo.
"Kasi…" nagbaba ako ng tingin sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko nang bigla nalang ito nagkaroon ng maraming dugo habang may hawak akong baril na may silencer.
Napapikit ako kasabay ng pagkuyom ng kamao ko. Biglang nanginig ang kamay ko at bumili ang tibok ng puso ko.
"Darling,"
Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko kaya dahan-dahan akong nagmulat. Unang dumako ang tingin ko sa kamay kong hawak ngayon ni Hegel. Ngayon wala na ang dugo at baril na hawak ko kanina lang. Imahenasyon ko lang pala iyon…
"Ah, ano…" nagtaas ako ng tingin kay Hegel. Nag-aalala siyang nakatingin sa akin. "P-Pasensya na…"
"Ano ba kasing nangyayari sayo?" Pilit niyang binuksan ang nakakuyom kong palad at pinagsaklob ang mga daliri namin. "Please, tell me. Nag-aalala ako."
Paano ko naman ngayon sasabihin sa kanya na ang daddy at mommy ko kasangkot sa mga rebeldeng kumuha sa akin? Paano ko iyon aaminin sa kanya?
"Pasensya na, Hegel. Hindi pa kasi ako handang sabihin sayo." Pag-amin ko.
Napatitig siya sa akin. Tumango lang siya tsaka ako hinawakan sa ulo para isandal iyon sa balikat niya.
"Rest," mahinang aniya.
Hindi na ako umangal. Inayos ko na lang ang paghiga ko sa balikat niya. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at marahan niya pa iyong hinahaplos gamit ang hinlalaki niya.
Kahit marami akong iniisip dahil sa mga nangyari nakaramdam parin ako ng antok. Pinipigilan ko iyon pero kahit anong gawin ko gustong-gusto kong magpahinga sa kanya kaya pinikit ko na ang mata ko.
"Arziana? We're here. Wake up na."
Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa mukha ko kaya nagmulat ako ng mata. Magkahawak pa rin ang kamay namin ni Hegel at nakahiga pa rin ang ulo ko sa balikat niya.
"Nandito na tayo sa kampo niyo."
Umayos agad ako ng upo. Bumitaw ako sa magkahawak naming kamay dahil medyo nangalay ang leeg ko kaya hinilot ko iyon.
"Sorry, nakatulog ako." Aniko habang hinihilot ang leeg.
"It's fine. Bilisan mo na lang mag report kay Ninong Ismael para makauwi na tayo at makapag pahinga ka na."
"Sige,"
Dumiretso na kami sa office ni Sir Ismael. Wala doon si General at Major. Narito lang si Ava at iba pa naming kasamahan na nag rescue sa akin kanina. Sila Hegel naman nasa gilid at nakaupo sa sofa.
"Mukang natunugan nila ang oras ng pag rescue namin sayo dahil wala na doon ang ibang miyembro ng pulang araw. Nailikas din nila ng mabilis ang mga ibang naninirahan doon. Hindi tuloy natin natukoy kung sino ang leader nila at kung bakit nila binulabog ang dulo ng San Diego." Ani Sir Ismael.
"Nung nandoon po ako, pinahirapan po ako nung lalaking akala ko pinuno nila dahil siya ang tinatawag na pinuno ng mga kasamahan niya. Kaso may biglang dumating na matandang lalaki na ang pangalan Tasyo o Tandang Tasyo at napag alaman ko na iyon pala talaga ang pinuno nila." Kwento ko.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...