ARZI
Napatitig ako sa kamay kong may dugo. Nakuyom ko iyon at napa buntong hininga. Hindi ako makapaniwala na nasaksihan ni Hegel ang ginawa ko. Siguro nagdadalawang isip na siya ngayon kung papayag pa ba siyang magpakasal sa akin o hindi na.
Sa kampo namin sa San Diego isa lang akong normal na sundalo ng bansa. Walang kakaiba sa akin. Walang espesyal sa akin. Walang kahit na ano ang meron sa akin para magtanong siya kung sino ba ako.
Umayos ako ng upo nang pumasok dito sa loob ng sasakyan si Hegel. May dala itong towel at umupo sa tabi ko. Wala siyang imik na hinawakan ang kamay ko para punasan ng basang towel ang dugong natuyo na sa palad ko.
Wala siyang imik. Ni hindi niya ako tinitignan. Kung malamig ang aircon dito sa van mas malamig ang pakikitungo niya. Sila Aera busy makipag coordinate sa mga pulis na dumating. Maraming patay at kabilang na doon ang apat na lalaking napatay ko. Ang iba injury lang ang inabot kaya dadalhin na sila sa kulungan pagkatapos gamutin. Walang nasaktan sa kanilang lima kaya napanatag ako.
"Sino ka ba talaga?" Biglang aniya. Hindi pa rin ako tinitignan. Nakatutok lang siya sa kamay kong pinupunasan niya.
"Kilala mo ako, Hegel. Arziana Sagrado ang pangalan ko. Bakit mo pa 'yan tinatanong?"
Sa pagkakataon na 'to lumingon na siya sa akin. Sinalubong niya ang tingin ko. Binaba niya ang kamay ko pero nasa hita niya iyon binaba. Tumingin siya sa bandang pisngi ko tsaka iyon pinunasan. Tinatanggal ang dugong tumalsik sa mukha ko kanina.
"Nung pinapanood kita kaninang patayin ang lalaking 'yon, parang hindi ikaw 'yon, Arziana."
"Ganun lang talaga ako mag trabaho, Hegel. Hindi ka lang siguro sanay dahil mahinahon ako magsalita pero ganun lang talaga ako mag trabaho. Pag nadidistino ako sa malayo o sumasabak sa giyera, ibang-iba ako. Iyon ang sabi ng mga malalapit sa akin." Aniko para mawala na ang pagdududa niya.
Alam kong kulang ang mga sinabi ko para paniwalain siya pero sa huli inayos niya pa rin ang sarili at ngumiti sa akin.
"Really?" Inayos niya ang buhok ko. "Muka ka kasing angel kaya hindi bagay sa'yo."
"Kailangan mo na atang masanay, Hegel. Pag lumipat na ako sa kampo niyo makikita mo na ako kung paano ako mag trabaho." Nakangiting sabi ko.
Natatawa siyang nag-iwas ng tingin. Inabot niya sa akin ang ginamit niyang pamunas sa dugo sa kamay at mukha ko.
"Hintayin mo kami dito. Kailangan kong kausapin ang mga pulis."
Tumango ako sa kanya. "Sige…"
Sumulyap pa siya sa akin saglit bago tuluyang tumayo at naglakad palabas ng sasakyan. Pagkasarado niya sa pintuan nagbaba naman ako ng tingin sa kamay ko. May mga natira pang dugo doon kaya ako na ang tumapos mag punas.
Hindi naman bago sa akin ang ganitong pangyayari. Maraming beses na akong nakapatay lalo na pag sinasabak ako sa misyon. Iba't-ibang klaseng kriminal na ang nakakasalamuha ko at ang mga katulad ng nakaharap namin kanina isa sa mga klaseng kriminal na nakaharap ko na noon.
Muli na naman ako napabuntong hininga. Ilang tao na nga ba ang nagsasabi sa akin na ibang-iba daw ako pag nagtatrabaho? Marami na. Marami na sila at pare-pareho lang ang sinasabi at reaksyon nila.
"Arzi?!" Biglang bumukas ang pintuan ng van at pumasok doon si Justin. "Arzi, I want to talk to you." Sabi niya tsaka nagtangkang lumapit sa akin pero may pumigil sa kanya.
"Bawal ka diyan sa loob, Sir." Si Aera iyon.
"J-Justin…" tumayo ako tsaka nagmamadaling lumabas para puntahan siya.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...