Kabanata 17

2.9K 45 5
                                    

ARZI

"Hindi ako kriminal."

Malakas na pagtawa ang narinig ko mula sa kabilang linya matapos kong sabihin iyon. Nanginginig ang kamay ko sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon. Nakakainsulto ang tawa niya. Nakakapanginig ng buto na gusto ko siyang sugurin ngayon at patayin.

["Kriminal ka, Anak."] Madiin niyang sabi. ["Huwag mong kalimutan na ikaw ang pumatay sa mga taong humaharang sa amin ng Papa mo. Pinatay mo sila, 'di ba? Ana pinatay mo sila."] Muli na naman siyang tumawa ng malakas pagkatapos sabihin iyon.

"H-Hindi totoo 'yan…" napapailing kong sabi. Nararamdaman ko na ang luha kong namumuo sa mata ko. "Inutusan mo ako…"

["Yes. And because of that you made your father proud of you, Ana. You should be thankful for me. Huwag mo sanang kalimutan ang dahilan kung bakit ka pinasok ng Daddy mo sa serbisyo. You are our eyes. You are our asset. Pag hindi mo ginawa ang pinagagawa ko sayo, malilintikan ka."]

"Pero Major—"

["Pinahatid ko na diyan ang kotse mo kasama ang mga gamit mo na gagamitin mo para sa misyon. Mayamaya nandiyan na iyan kaya abangan mo. Siguraduhin mong bukas ng umaga may balita na akong maririnig tungkol sa pagkamatay ni Chad Fuentes."] Aniya at pinatay ang tawag.

Nanghihina akong umupo sa sahig matapos ang usapang iyon. Simula pagkabata ko sinanay ako para maging isang sundalo. Hindi para protektahan ang bansa kung hindi para protektahan si General at Major sa mga kumakalaban sa kanila.

Isa akong kriminal na nagtatago sa likod ng maamong mukha. Suot ko ang uniporme ng mga taong pumoprotekta sa bansa at kumakalaban sa mga kriminal pero isa rin naman akong masama. Sinanay akong pumatay imbes na protektahan ang mga tao.

Natigilan ako nang tumunog na naman ang cellphone ko. Mensahe mula kay Major ang bumungad sa akin.

From:Major
Make me and your father proud once again, Anak.

Gusto kong maduwal nang mabasa ko iyon. Paano niya nakakayanan gawin sa akin ito? Sarili niya akong anak pero ginawa niya akong kriminal! Hanggang kailan ba ako ganito? Hanggang kailan ba ako gagawa ng masama para sa kanila?

"Darling are you done?"

Nataranta agad ako. Nagpunas ako ng luha at tumayo.

"Saglit lang, Hegel!" Aniko at dali-daling kumilos para mahubad ang suot kong wedding gown.

"Hihintayin kita dito sa sofa."

"S-Sige."

Narinig ko ang mga yapak niyang naglakad palayo. Mabilis akong kumilos para isuot ang dress na suot ko kanina. Pumasok na rin dito sa loob yung babaeng nag assist sa akin kanina para kuhain ang wedding dress na sinuot ko kanina. Sinigurado ko munang maayos ako bago lumabas.

Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa habang may pinipindot sa cellphone niya. Napapangiti pa siya doon na parang kinikilig sa nakikita.

"Hegel…" tawag ko.

Binaba niya agad ang cellphone niya at parang nagulat pa sa akin. Tumayo siya at naglakad palapit.

"Let's eat na?" Tanong niya.

"Hindi pa ako gutom. Kakakain lang natin kanina, Hegel."

"Oo nga pala. Sige mamaya nalang…" Natawa siya. "Ipapadala na lang daw ni Ninang ang gown sa San Diego pag naayos na niya. Sigurado ka na ba na iyon ang gusto mo?"

Tumango ako. "Oo. Gusto ko iyong simple lang pero muka pa ring elegante."

"It's actually beautiful on you, Arziana. You look like an angel that sends from above... Hindi naman ako nag dasal pero binigay ka."

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon