ARZI
Umalis din kami agad ni Hegel pagkatapos namin mag plano. Kasama namin yung apat, si Aera, Bullet, Miggy at Evans. Sinabi ko nga kay Hegel na huwag na silang idamay dito pero nung nalaman nung apat ang plano namin sila na rin mismo ang nagpumilit sumama.
Masaya ako dahil kahit na alam nila ang sikreto ko hindi nagbago ang tingin nila sa akin.
Pagdating namin sa dulo ng San Diego pinarada lang namin sa tagong lugar ang sinasakyan naming van. Sinabihan ko na rin si Ava na siya ang tatawag kay Sir Ismael pag natapos na kami dito para mahuli na nila ang mga miyembro ng Pulang Araw.
"Maglakad na lang tayo paakyat. Hindi kasi natin pwedeng dalhin ang sasakyan dahil baka mabulabog natin sila." Aniko sa kanila.
"Copy," sagot naman ni Hegel.
"Ire-ready ko na yung drone na gagamitin natin." Ani Miggy.
"Paki check yung earpiece niyo kung gumagana na." Sabi naman ni Aera habang may kinakalikot sa hawak niyang radio communicator.
"It's all set. We're ready." Inayos ni Evans ang suot niyang bulletproof vest.
Napangiti naman si Bullet. "Let's do this, guys." Aniya bago sinuot ang kanyang bulletproof vest.
Napangiti ako habang pinapanood sila. Alam naman nilang delikado ito at maaaring mapahamak ang pagiging sundalo nila dito pero heto sila handa pa rin tumulong sa akin.
Nagsibabaan na kami sa Van. Lumapit sa akin si Hegel dala ang isa pang bulletproof vest. Lahat kami nakasuot ng tactical clothes at naka tirintas ang buhok ko. Ako lang sa aming anim ang nakasuot ng balaclava mask.
"Be careful, ha?" Ani Hegel habang inaayos ang bulletproof vest ko.
Tumango naman ako. "Oo. Ikaw rin, Hegel. Mag ingat ka. Mag-ingat kayo."
"Papasok agad kami sa area pag kinailangan mo kami."
"Naiintindihan ko…"
Ako ang nanguna sa kanila papunta sa bagong kuta ng Pulang Araw. Malapit lang iyon sa dating kuta nila na nilusob ng mga sundalo noon. May kadiliman at puro puno ang madadaanan. Mayroon din mga patibong sa daanan kaya doble ingat kami sa bawat kilos namin.
Huminto kami sa di kalayuan nang marating namin ang kuta ng mga rebelde. Kanya-kanya silang puwesto habang kami ni Hegel pinagmamasdan ang labas ng kuta habang nakadapa sa damuhan.
May ilang mga armadong lalaki ang nakatambay sa labas. Yung iba nagmamasid sa paligid at yung iba naman nag-iinuman. Tanging ilaw galing sa inapuyan na kahoy ang nagsisilbing liwanag sa labas. Yung iba namang tinayong bahay madilim.
"Sigurado ka bang kaya mo mag-isang pumasok diyan?"
Napalingon ako kay Hegel nang itanong niya iyon.
"Kaya ko, Hegel."
"I'm still worried, darling." Kita ko rin sa mga mata niya ang pag-aalala.
Gumapang ako palapit sa kanya.
"Huwag ka na mag-alala. Hindi ko naman papayagan na may mangyari sa akin sa loob. Pag kailangan ko naman ng tulong alam ko namang pupuntahan niyo agad ako." Mahinahon kong sabi.
Huminga ito ng malalim at tumango-tango.
"Alright… let's begin to put them down."
Pareho kaming tumayo. Sinenyasan niya ang mga kasamahan niyang umayos na ng pwesto at maging alerto. Sinuot ko na rin ang jacket na dala ni Hegel para hindi makita ng mga rebelde ang suot kong bulletproof vest. Kinuha ko rin ang baril ko at nilagyan iyon ng silencer bago tinago sa loob ng jacket na suot ko.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...