Kabanata 3

3.8K 59 11
                                    

ARZI

"Nagugutom ka ba?" Tanong niya paglabas niya sa bathroom.

Mukang kakatapos niya lang maligo dahil basa ang buhok niya. Marami namang tuwalya at bathrobe sa loob pero mas pinili niyang maglakad-lakad sa harap ko na walang suot na kahit na ano.

"Hindi ba weird na naglalakad ka sa harap ko na walang suot?" Sabi ko at napaiwas ng tingin.

"Hindi ba mas weird na nahihiya kang tumingin sa katawan ko pagkatapos natin mag sex?" Sabi naman niya.

Nahihiya man tumingin pa rin ako sa kanya para irapan siya. Tumawa lang siya sa akin habang naglalagay ng wine sa wine glass niya. Mayamaya kumindat siya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Cute mo 'no?" Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o kompliment iyon.

"Ewan ko sa'yo." Nahiya tuloy ako bigla.

Nag-iwas na ulit ako ng tingin dahil nabobother ako sa nakabalandra niyang malaking ewan!

"Kailan mo pa nalaman na ako ang pinagkasundo sa'yo?"

"Kanina lang." Sagot niya tsaka sumimsim ng wine.

Napabuntong hininga ako. "Pumayag ka ba na magpakasal sa akin?"

"I actually don't care. Kahit nga ipakasal ako sa mama mo wala akong pake." Sagot niya.

"Okay lang 'yon sa'yo?"

"Oo. Ayaw mo ba nun? Papa mo ako hindi asawa."

"Para kang sira!" Hindi ko talagang maiwasan hindi mainis sa kanya dahil sa mga sagutan niya sa akin. "Okay lang sa'yo na ikasal ka sa akin?"

"Why not?" Tinaasan niya ako ng kilay tsaka sumimsim ng wine. "How is it, by the way?"

"Ang alin?"

"You bleed earlier. Masakit pa rin ba?" Tinutukoy niya ang nangyari sa amin kanina.

"Masakit syempre." Nahihiya kong sagot.

"Gusto mo round two?" Maloko niyang tanong.

"A-Ano?!" Nanlaki ang mata ko sa kanya.

"Round two gusto mo?" Ulit niya, binaliktad pa.

Umiling agad ako. "Hindi ayaw ko na."

"Akala ko ba walang aatras?"

"Masakit nga. Parang may napunit kanina."

Nilapag niya ang hawak niyang wine glass at dali-dali na lumapit sa akin.

"Tignan ko?"

"Ano ka ba?!" Hinigpitan ko ang hawak sa kumot na nakatakip sa katawan ko para kung magtangka man siyang alisin iyon hindi siya magtatagumpay. "Magsuot ka nga ng boxer mo, Hegel!"

Nagkibit balikat siya. "You should get used to it, Arzi. When we get married you will see me like this every night."

"Nakaka bother dahil nakabalandra yan sa harapan ko. Di pa tayo ganun ka close kaya itago mo nga 'yan!"

"Hindi ba mas nakakabother yung hindi tayo close pero nag sex na tayo?"

Hindi na lang ako umimik. Mukang hindi ako mananalo pag siya ang kausap ko. Ilang oras pa lang kaming magkasama pero nakikita ko na ang magiging buhay namin kung matuloy man ang kasal naming dalawa.

"Aren't you really hungry?" Mayamaya ay tanong niya.

Nakahiga na siya ngayon sa tabi ko at natatakpan na ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan niya. 

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon