ARZI
"Kumusta ang mga duty niyo?" Tanong ni Daddy. Mahina lang ang boses niya pero ramdam na ramdam ko ang pagiging strikto at awtoridad dito.
Sumulyap ako sa kanya. "Maayos naman po, General." mahinahong sagot ko.
"Ikaw, Zandriel?" Tanong naman niya kay kuya nang hindi man lang inaalis ang tingin sa kinakain na steak.
"Good." Simpleng sagot ni Kuya Zandriel sa kanya. Hindi rin inaalis ang tingin sa kinakain na steak.
Nagbalik ako ng tingin sa plato ko. Pagkatapos namin sumagot natahimik na ulit kami. Tanging tunog mula sa tinidor at steak knife na kumukuskos sa plato ang naririnig namin.
Mayamaya nagsalita si Mommy.
"Arzi, bukas pumunta ka sa opisina ng daddy mo."
Napalunok agad ako at kinabahan. Sa tuwing pinapatawag ako sa opisina ni General isa lang ang ibig sabihin nun. May nagawa akong mali na pwedeng makasira ng imahe ng pamilya namin.
"Permission to talk, Major…" maingat kong sabi kay mommy.
"Go ahead," ani mommy hindi man lang ako tinignan.
"May nagawa po ba ako?" Kahit na itago ko halata pa rin na kinakabahan ako.
Tumigil siya sa pagkain tsaka tumingin sa akin. Hindi naman siyang galit at hindi rin mukang masaya. Si Daddy naman busy pa rin sa pagkain habang si Kuya mukang hinihintay ang sasabihin ni Mommy.
"Wala naman. May mahalaga lang talaga tayong pag-uusapan bukas kasama si General Ricky Javier." Aniya.
"General Javier? May ginawa ba si Arzi sa pamilya nila?" Sumingit si kuya sa usapan namin.
Nangunot agad ang noo ni Mommy sa kanya. "Did I give you permission to interfere with us?"
Binitawan ni kuya ang hawak niyang tinidor at kutsilyo. "Mom, pamilya tayo dito hindi magkatrabaho. Hindi ko na dapat hinihingi ang permission sa inyo para magsalita ako."
"Is that what you've learned inside the camp, Lieutenant Colonel Zandriel Sagrado?" Sa unang pagkakataon nag-angat ng tingin si Daddy.
"Dad, naman! Pati ba naman dito sa bahay natin dapat pormal pa rin?" Inis na tanong ni kuya sa kanya.
Hindi sumagot si Daddy. Bumalik na ito sa pagkain ganun din si Mommy. Ako naman ay napatingin kay kuya na ngayon ay naiinis na nakatingin sa pagkain niya. Bigla itong tumingin sa akin na nakakunot ang noo.
"Bakit nakatingin ka?" Masungit niyang singhal sa akin.
"Wala po, kuya…" nagbalik na lang ako ng tingin sa pagkain ko.
Lahat na kami natahimik habang inuubos ang mga pagkain sa mga plato namin. Para kaming hindi magkakakilala. Hindi kami nag-uusap at hindi man lang magawang sulyapan ang isa't-isa.
"Arzi," tawag sa akin ni Papa pagkatapos niyang uminom ng tubig.
"Yes, General?"
"Kilala mo naman siguro ang pamilya ng mga Javier, hindi ba?"
"Yung iba lang po, General."
Tumango-tango ito. "Have you met his son?"
Hindi agad ako nakasagot dahil inisip ko ang sinabi niya. Iniisip ko kung sino ang tinutukoy niya. Kilala ko si General Ricky Javier pero hindi ko pa nakilala ang anak niya.
"Hindi pa po, General."
"Makikilala mo siya bukas." Aniya.
"Pwede ko po bang malaman kung tungkol saan po ang pag-uusapan bukas?" Curious kong tanong.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...