ARZI
"So you knew each other?" Tanong ni mommy sa amin nang marating namin ang sala matapos kong kumain sa dining area kanina.
"Yeah, we met in the club last night." Si Hegel ang sumagot dahilan para tumaas ang kilay ni mommy.
"Last night? Siya ang kasama mo kagabi, Arziana?" Lumipat sa akin ang tingin ni mommy.
"O-Opo, Major. Napag-alaman ko po kasi na siya pala ang anak ni General Javier kaya nagkakwentuhan lang po kami saglit." Pagsisinungaling ko.
Nakita ko ang pagdadalawang-isip ni mommy sa sinabi ko kaya napaiwas ako ng tingin. Kinakabahan na ako dahil baka masamain niya ang ibig sabihin ng pagkikita namin kagabi. Napako naman ang tingin ko sa parents ni Hegel na ngayon pala ay nakatingin na sa akin.
Nakasuot ng beige dress ang mommy ni Hegel samantalang si General Javier naman ay nakasuot ng kumpletong uniporme. Nakangiti sa akin ang mommy niya. Yung daddy naman niya nakatingin lang. Lumapit sa kanila si Hegel at may binulong dahilan para mas mapangiti ang mommy niya habang nakatingin sa akin.
"Uh, good morning po…" nahihiya akong lumapit sa mommy ni Hegel para makipag kamay pero yakap ang sinalubong nito sa akin. Naestatwa tuloy ako sa ginawa niya.
"Nice to meet you, Arziana." Aniya habang mahigpit na nakayakap sa akin.
Para tuloy hinaplos ang puso ko. Ganito pala ang pakiramdam? Si Mommy kasi hindi naman ako niyayakap ng ganito kaya pakiramdam ko tuloy ito ang unang beses kong maranasan 'to.
Napatingin ako kay Mommy at Daddy. Walang reaksyon ang mga mukha nila. Hindi ko tuloy malaman kung galit ba sila o hindi. Nananahimik lang sila habang nakatingin sa amin ng mommy ni Hegel.
"Pagpasensyahan niyo na ang asawa ko, General Sagrado at Major Sagrado. Namimiss niya lang kasi ang first born daughter namin na nasa US kaya ganyan ang reaksyon niya." Natatawang sabi ni General Javier sa mga magulang ko.
Bumitaw sa akin si Mrs. Javier tsaka inayos ang damit niya.
"I'm sorry, Arziana. Naalala ko lang bigla ang panganay ko." Natawa siya.
Ngumiti ako. "Okay lang po, Ma'am."
"Masyado namang pormal ang Ma'am. Pwede mo akong tawaging mama or mommy, ikakasal ka na sa anak ko kaya–" natigilan siya nang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "I'm sorry, Hija. Masyado ba akong madaldal?"
"Ah hindi naman po!" Umiling agad ako.
Tumingin ako kay Hegel pero nakatingin lang ito sa akin. Ang Papa naman niya at ang parents ko nakikinig lang sa amin.
"Mas mabuti siguro kung tita na lang muna ang itawag mo sa akin. Pag kasal na kayo nitong si Hegel tawagin mo na lang akong mom or mama." Inabot niya pa ang kamay ko at marahan itong pinisil.
Nagbaba ako ng tingin sa kamay naming magkahawak. Hindi ko alam kung ako lang ba ang OA dito pero may kakaiba sa paraan ng tingin niya sa akin.
"Ang laki-laki mo na talaga, Arziana. Lumaki kang maganda…" maluha-luhang aniya tsaka hinaplos ang pisngi ko.
"Susan…" mahina siyang hinila ni General Javier palayo sa akin. "I'm sorry, Captain Sagrado. Miss na miss niya lang talaga ang anak namin."
"Ayos lang po." Pinilit ko pa rin ngumiti sa kanila. "Nice to meet you po pala, General…" tumayo ako ng tuwid para sumaludo sa kanya pero pinigilan niya agad ako.
"Huwag mo na gawin 'yan. Wala tayo sa trabaho kaya hindi mo ako dapat saluduhan kung tayo-tayo lang naman." Ani General Javier.
Pero dito sa mansyon hindi ganun. Sa trabaho man o dito lang sa mansyon dapat General at Major pa rin ang turing namin ni kuya Zand sa mga magulang namin. Halos hindi ko na nga sila matawag na mommy at daddy dahil ayaw nila.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...