ARZI
"Kailangan na natin bumalik sa Manila bago pa nila malaman na nandito tayo sa San Diego, Hegel."
"Yeah, after this…" aniya at hinawakan ako sa kamay para hilain papunta sa kotse ni Miggy. "It's time for you to know the truth."
Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat para papasukin ako doon pero hindi ako sumunod, sa halip, nilingon ko si Ava na naiwan sa pwesto ko kanina.
"Teka paano si Ava?"
"No, I'm fine! Go ahead. Do whatever you want to do. Uuwi na ako. I'm very fine, Arzi… Hey, Hegel! Take care of my best friend. I'm watching you!" Tinuro niya pa si Hegel at tinignan itong nambabanta.
"She's safe with me, don't worry, Ava." Nakangiti naman na sabi ni Hegel.
"I know she's in good hands. Kaya boto ako sayo, eh! Thank you sa pagsunog sa mansyon, ah? Mauuna na ako!" Maloko niyang sabi. Kumaway ito sa aming pareho bago naglakad pabalik sa kotse niya.
"Ava, thank you!" Pahabol ko, nag thumbs up lang ito sa akin.
Tuluyan na akong sumakay sa passenger seat. Si Hegel ang nagsarado ng pintuan niyon bago siya sumakay sa driver seat.
"Paano ang kotse mo?"
"Ipapakuha ko na lang."
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko na naman.
"Sa bahay nila mommy. Kailangan mo silang makausap bago tayo umuwi sa bahay natin."
Mabilis niyang pinaandar ang kotse kaya narating namin agad ang bahay nila. Pinapasok naman agad kami nung guard at mukang nagulat pa nung makita nila akong kasama ni Hegel.
"Ma'am, ikaw po pala ulit…" ani isang guard na nakausap ko kanina.
Napalingon sa akin si Hegel.
"Anong ginawa mo dito?"
"N-Nag—"
"Nag CR siya, Sir," yung security ang sumagot.
"CR?" Nangunot ang noo ni Hegel.
"Mamaya ko na lang sasabihin sayo, Hegel." Aniko para hindi na humaba ang usapan namin tungkol dito, sumang-ayon naman siya.
Pagpasok namin sa loob binuksan niya lahat ng ilaw dito sa sala. Pinaupo niya muna ako sa sofa bago siya umakyat para tawagin ang mga magulang niya.
Sinamantala ko na ang pagkakataon para ilibot ang tingin sa kabuuan ng sala. Nagbabakasakali akong makita ko ang bomba ngayong may liwanag na sa paligid. Tatayo na sana ako para mas maayos akong makapag hanap nang marinig ko ang mga yapak na pababa ng hagdan.
Sa sobrang abala ko sa paghahanap ng bomba hindi ko na nagawang bigyan pansin ang bahay. Mas malaki ito sa bahay ni Hegel sa manila. Mas malawak ito at puro modernong furnitures ang nandito. Marami rin naglalakihang vase at mga paintings.
"Arziana hija!" Boses ng mommy ni Hegel ang narinig ko nang makababa ito ng hagdan. Lumapit siya sa akin at yumakap ng mahigpit. "My daughter in law…"
Umayos ako ng tayo nang humiwalay siya sa pagyakap sa akin. Maluha-luha itong tumingin sa akin habang nakahawak sa magkabilang braso ko. Nakakapagtaka iyon pero di ko na lang pinansin.
"Hello po, pasensya na po kung naabala namin kayo ni Hegel ngayong hating gabi."
"It's totally fine, Arziana. Masaya akong nandito kayo ni Hegel."
Napatingin naman ako sa likod niya kung saan naroon si Hegel na may dalang box at ang daddy niya na nakangiting nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung paano ako babati sa kanya. Magmamano ba ako o sasaludo?
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...