Kabanata 2

3.8K 53 6
                                    

ARZI
R-18

"Give us a room." He said as he handed his black card to the receptionist.

hawak-hawak niya ang isa kong kamay habang ako naman ay kinakabahan na sinusuri ang paligid. Malapit lang ang hotel na 'to sa club na pinanggalingan namin. Naiwan na ang kotse ko doon dahil kotse niya ang ginamit namin papunta dito.

Hindi ko na nagawang mag paalam kay Ava dahil umalis agad kami. Hindi ko alam ang pangalan niya at wala akong balak alamin pa iyon. Mas mabuti ng manatili siyang estranghero sa isipan ko para hindi ko siya hanap-hanapin.

Nakainom kami pareho pero dahil ganito ang eksena naming dalawa parang nawala bigla ang tama ng alak sa akin. Siya naman ay chill na chill habang hinihintay na ibigay sa kanya ang keycard ng room.

"Third floor, Sir, room 307. The elevator is on the right side. Here's your keycard… enjoy your stay, Ma'am, Sir." Sabi nung receptionist sa amin.

"Thank you." Aniya naman tsaka tumingin sa akin. "Let's go?"

Tumango lang ako.

Nauna siyang naglakad. Nakatingin lang ako sa magkahawak naming kamay habang naglalakad kami papunta sa elevator. Alam ko sa sarili ko na kinakabahan ako ng sobra. Saksi ang puso ko kung paano ito kumabog ng sobra ngayong malapit na mangyari ang gusto kong mangyari.

Ako ang may gusto nito pero ako itong kabado. Wala akong kahit na anong experience pagdating dito pero bahala na! Hindi naman ako ganun ka inosente. May mga napanood na akong nag sesex at may mga nabasa na ako sa libro. Hindi ko pa man 'yon nagagawa pero confident akong makakasabay ako sa kanya.

Napabuntong hininga ako dahilan naman para lumingon sa akin ang lalaking kasama ko.

"Nervous?" Tanong niya.

"Hindi."

Tumaas ang isa niyang kilay. "First time?"

Hindi ako makasagot. Dapat bang umamin ako sa kanya na ito ang unang beses ko iyong gagawin? Nakakahiya! Pumayag agad ako nang ayain niya ako tapos malalaman niya bigla na first time ko pa lang pala.

Mabuti na lang bumukas ang pintuan ng elevator hudyat para marating namin ang tamang palapag. Ako ang unang lumabas para hanapin ang room na binigay sa amin. Nasa likod ko siya at kalmadong-kalmado na nakasunod sa akin. Habang papalapit kami sa kwartong iyon mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nang marating ang room 307 huminto ako at nilingon siya. Hawak niya kasi ang keycard kaya siya lang ang makakabukas ng pintuan. Napalunok ako nang tingnan niya ako ng diretso. Nang makalapit naman siya umangat ang gilid ng labi niya kasabay ng pagbukas niya sa pintuan ng kwarto.

Pinihit niya ang door knob. "Pwede ka pang umatras." aniya, hindi pa tuluyang binubuksan ang pintuan.

"Walang aatras." Sabi ko naman. Ako na ang tuluyang bumukas ng pintuan.

Narinig ko pa siyang mahinang natawa nang pumasok dito sa loob. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Kinakabahan ako ng sobra pero ayaw kong umalis o itigil 'to. Nandito na ako. Nandito na kami kaya itutuloy ko 'to.

mas gugustuhin ko pang makipagtalik sa taong 'to kaysa naman sa taong pinili nila para ipakasal sa akin.

"Do you want to take a shower first?"

Dumiretso siya sa bar area at nagsalin ng wine sa dalawang wine glass. Inabot niya ang isa sa akin kaya tinanggap ko iyon.

"Pwede naman." Sagot ko tsaka inubos sa isang inuman ang wine na bigay niya.

Natawa siya. "You're really nervous."

"Hindi." Naiinis kong inabot sa kanya ang wine glass. "Gusto mo sabay pa tayong maligo?" Naghahamon kong sabi.

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon