Kabanata 27

2.8K 40 12
                                    

ARZI

Tambak na paper works ang naiwan sa akin pag-alis nila Hegel. Unang umalis yung apat dahil may pupuntahan pa daw sila. Sinabi naman sa akin ni Captain Salazar ang mga kailangan kong malaman bago sila umalis.

Nakilala ko na rin ang team na hawak ni Captain Salazar nung tanghali. Pagbalik ko sa opisina naging abala agad ako para tapusin ang ilan sa mga files na kailangan kong basahin at gawan ng report. Natigilan ako sa pagbabasa nang may kumatok sa pintuan.

"This is Sergeant Tanya Aguila, Captain, Permission to enter the room, Ma'am!"

"Permission granted." Aniko tsaka binaba ang papel na binabasa ko.

Pagpasok niya ay agad itong tumayo ng tuwid para sumaludo sa akin. Sumaludo rin ako sa kanya pabalik bago ko siya sinabihan na lumapit sa akin.

"Pinapatawag ka po ni General Hernandez, Ma'am." Aniya.

"Nasaan siya ngayon?"

"Nasa office po."

Tumango ako sa kanya. "Sige, susunod ako. Ayusin ko lang saglit 'to."

"Copy, Ma'am." Aniya at sumaludo ulit. "Permission to leave, Captain?"

"Permission granted. Thank you, Sergeant Aguila." Nakangiti kong sambit.

Pag-alis niya inayos ko agad ang mga papel na nakakalat sa lamesa. Nilagay ko sa bulsa ang cellphone ko bago ako nagmamadaling lumabas ng opisina.

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa hagdanan paakyat sa opisina ni General Hernandez hindi ko maiwasang mailang dahil sa tingin sa akin ng ilang sundalo.

Yung iba nakangiti. Yung iba naman parang wala naman pake sa akin pero yung tatlong sundalo na puro lalaki, masama kung makatingin. Nakatayo sila gilid kung saan madadaanan ko sila.

"Siya ba ang dahilan kung bakit hindi ikaw yung na appoint para maging Captain ng Delta Team, Captain Alferez?" Tanong nung isang lalaki doon sa lalaking nasa gitna.

Napayuko ako at nakuyom ang kamao ko. Kahit na nung lagpasan ko sila ramdam na ramdam ko ang masamang tingin nila sa akin.

"Babae? Ano namang magagawa niyan?" Narinig kong sabi nung lalaki sa gitna.

"Baka inakit si General!" Sabi naman nung isang lalaki dahilan para magtawanan silang tatlo ng malakas.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at nagpanggap na wala lang iyon sa akin hanggang sa marating ko ang hagdan paakyat. Saglit akong tumigil. Umiling-iling ako para gisingin ang sarili ko. Iyon pala ang iniisip nila sa akin?

"This is Captain Arziana Sagrado, General Hernandez, permission to enter the room, Sir!"

"Come in!"

Napabuntong hininga ako bago pinihit pabukas ang pinto ng opisina niya. Pagpasok ko umayos ako ng tayo sa harapan at nagbigay galang.

"Put your hand down." Aniya, pinagtutungkulan ang pag saludo ko. "Take a seat, Captain Sagrado. Hintayin muna natin si Captain Alferez bago tayo magsimula."

Alferez? Iyon yung lalaki kanina, 'di ba? Anong dahilan bakit pareho kaming pinatawag dito? Umupo ako sa upuan na nasa harap ng lamesa niya.

"Thank you, General."

"Kumusta naman ang trabaho mo dito? Nakilala mo na ba ang Delta Team?" Tanong niya.

"Yes, General. Pinatawag ko po sila kanina sa field. Sa ngayon po binabasa ko po ang mga files at reports na iniwan sa akin ni Captain Salazar."

"Madami-daming files iyon, Captain Sagrado. Sana kayanin mo..." Napahalakhak ito sa akin. "Madadagdagan pa iyan." Dugtong niya.

Napangiti ako. "Don't worry, General. Handa po ako sa trabaho ko."

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon