ARZI
Nagising na lang ako narito na ako sa kwarto namin ni Hegel. Ang tanging naaalala ko nung huli ay nawalan ako ng malay habang tumatakbo kami pabalik sa van. Hindi ko na alam ang kasunod na nangyari. Nandito na ako ngayon sa kwarto ni Hegel at may sikat na rin ng araw.
Tumayo agad ako nang makitang alas syete na ng umaga. Wala si Hegel dito sa kwarto kaya nagmamadali kong sinuot ang tsinelas ko para bumaba.
Naabutan ko siya sa kusina at naghahanda ng pagkain. Nakasuot na ito ng kumpletong military uniform habang naghahalo ng kape sa counter.
"Hegel," mahinang tawag ko kaya lumingon ito agad sa akin.
"Darling…" lumapit siya agad dala ang kape niya na nilapag niya muna sa lamesa bago tuluyang lumapit sa akin. "How are you? Masakit ba ulo mo? Are you okay?" Sunod-sunod na tanong niya habang sinusuri ang katawan ko.
"Ayos na ako, Hegel." Aniko para hindi na siya mag-alala.
"Nag-alala ako. Huwag ka na munang pumasok ngayon. Magpahinga ka—"
"Hindi pwede." Pagpuputol ko sa sinasabi niya.
"At bakit?"
"Kasi marami akong trabaho, Hegel. May mga bagong binigay na misyon sa akin si General. Kailangan ko matapos agad iyon."
Napabuntong hininga na lang ito. Ngumiti ako sa kanya dahil mukang tinanggap niya na hindi niya ako mapapapayag na hindi pumasok ngayon.
"Let's eat breakfast na…" hinawakan niya ako sa kamay bago hinila papunta sa dining table kung saan naroon ang pandesal, scrambled eggs at kape.
"Thank you sa paghahanda ng breakfast, Hegel. Pasensya na ah, hindi ako nagising ng maaga."
"No it's fine!" Aniya agad habang hinihila ang upuan para makaupo ako. "I enjoyed making our breakfast, darling. Araw-araw ko na 'to gagawin. Ganito pala 'yon? Nakakakilig."
Nangunot ang noo ko.
"Nakakakilig?"
"Oo." Tumango siya. "All I can think while making our breakfast is you, wife. Although, I prefer eating you more than this—"
"A-Ano?" Para akong nabilaukan bigla kahit na wala pa naman akong kinakain.
"I said, I prefer eating you more than—"
"Inulit mo pa talaga, eh!"
Nag-init ang pisngi ko dahil doon. Nag-iwas ako ng tingin at kinuha ang kape para uminom. Napaso pa ang dila ko dahil sa init niyon pero hindi ko magawang uminda dahil ayaw kong makita niya na naapektuhan ako sa mga binitawan niyang salita.
"I'm just telling the truth, darling…" sabi niya habang naglalagay ng itlog sa pandesal at nilagay iyon sa plato ko. "I'll be the happiest man alive if you're my breakfast every morning."
"B-Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong ko, hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"Baka ayaw mo," sagot niya naman tsaka kumagat sa sarili niyang pandesal.
"Pwede ba naman 'yon?" Sinalubong ko ang tingin niya. Natigil siya sa pag nguya at napatitig sa akin. Napalunok ako.
"What do you mean?" Maingat niyang tanong.
"K-Kasi… mag-asawa naman tayo. Ang ibig kong sabihin ano…"
"So, It's okay?"
Hindi ako sumagot. Nakipagtitigan lang din ako sa kanya at hinayaan ang mga mata namin na mag-usap. Wala namang problema sa akin kung iyon ang gusto niya… gusto ko rin 'yon.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...