Kabanata 28

2.9K 45 15
                                    

ARZI

Nagngingitngit sa galit si Hegel hanggang sa nakauwi na kami sa bahay. Simula pa kanina hindi nawawala sa isip niya ang nangyari sa kampo. Kanina ko pa siya pinapakalma pero hindi siya nakikinig sa akin.

Umupo ako sa sofa dito para hubarin ang suot kong combat shoes. Siya naman umupo sa kama at doon naman nagtanggal ng suot niya rin na combat shoes at military jacket.

Pagkatapos ko sa ginagawa ko dumiretso na ako sa bathroom para maligo. Paglabas ko naman wala na si Hegel dito sa kwarto. Nagsuot lang ako ng nighties dress na kulay itim. Nagblower din ako ng buhok at nag lotion bago humiga sa kama.

Mayamaya pumasok na dito si Hegel sa kwarto. Naka puting t-shirt ito ngayon at naka short. Dumiretso ito ng higa sa tabi ko at sinusok pa talaga sa akin ang sarili niya kahit na malaki naman ang space niya.

"Hegel mahuhulog ako," aniko dahil bukod sa sumiksik siya sa akin, yumakap pa siya ng mahigpit. "Bakit?"

Agad naman siyang umusog para bigyan ako ng space pero hinila niya naman ako bigla palapit sa katawan niya at niyakap na naman ng mahigpit.

"Teka… ano bang nangyayari sayo?" Sinubukan kong humiwalay sa kanya pero hindi ako makawala sa yakap niya. "Hegel…"

"Let's stay like this for a while, hmm?" Aniya, halos pabulong na lang iyon.

Tumango na lang ako tsaka yumakap din sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito ngayon pero gusto ko ito. Gusto ko ang yakap niya. Kung pwede lang ganito kami araw-araw at gabi-gabi pipiliin ko talaga iyon.

"Darling," mahinang tawag niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Nag-aalala ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Kitang-kita ko ang pangangamba sa reaksyon niya habang nakatingin sa mukha ko.

"Bakit ba? May problema ka ba?" Kinakabahan kong tanong dahil pati ako tuloy nag-aalala na.

Napabuntong hininga ito.

"Huwag ka na kaya mag trabaho?"

"Ha?" Nangunot ang noo ko. "Pero bakit?"

"I know Samuel. He'll do everything to get you away from me. Alam kong gagawin niya ang sinabi niya. Galit 'yun sa akin, eh."

Tuluyan na akong humiwalay sa kanya. Umupo ako kaya maging siya umupo rin para makapag-usap kami ng maayos.

"Galit siya sayo kasi?"

"Kasi nag break sila ni Aera because of me." Sagot niya.

"Ibig sabihin ba nito totoo ang sinabi ni Captain Alferez kanina?"

"No!" Aniya agad, napapailing pa. "I didn't fucked her. We're just friends and colleagues. I didn't do that. He cheated, darling, and so I beat him up."

"Ah…" nag-iiwas ako ng tingin.

"Darling…"

Nag-angat akong muli ng tingin sa kanya.

"Ayaw mo akong mag trabaho para hindi na ako malapitan ni Captain Alferez?"

"Well, I mean…" napalunok siya. Nag-iisip ng sasabihin.

"Ayoko, Hegel."

Nagkatitigan pa kaming dalawa pagkatapos niyang marinig ang sagot ko. Sa huli siya rin ang napabuntong hininga.

"Okay," aniya.

"Huwag mo na alalahanin si Captain Alferez. Sa tingin mo ba hahayaan ko siya sa gusto niyang mangyari?"

"Baka may gawin siya sayo. Wala ako doon. Magkalayo tayo. Hindi kita mababantayan." Nag-aalalang wika niya.

Ngumiti ako sa kanya at inabot ang isa niyang pisngi. Hinaplos ko iyon at pinisil.

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon