Kabanata 34

2.4K 51 27
                                    

ARZI

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung huling beses ako nagkaroon ng engkwentro sa mga Sagrado. Sinimulan ko na rin gamitin ang apelyidong Javier dahil hindi ko na kayang madikit ang pangalan ko sa apelyidong ginawa akong kriminal.

Mabuti na lang naging abala ako sa misyon na binigay sa amin ni General Hernandez kasama si Captain Alferez. Nagsagawa kami ng bomb drills sa iba't-ibang pampublikong eskwelahan dito sa metro manila. Nakasanayan ko na lang din pakisamahan si Captain Alferez kahit na paminsan-minsan nauubos ang pasensya ko sa kanya.

Natapos na rin ang training nila Hegel dito sa headquarters namin, hihintayin na lang namin ang pagdating ng mga international unit sa susunod na araw.

"Good job, Captain Alferez, Captain Javier. Mission accomplished for both of you." Ani General Hernandez sa amin nang matapos kami mag report tungkol sa bomb drills mission.

"Thank you, General." Nakangitin sabi ni Captain Alferez bago lumingon sa akin. "... And of course thank you to my partner, Captain Sagra— Javier."

Pilit akong ngumiti sa kanya. "Thank you rin, Captain Alferez. I appreciate your hard work in this mission."

"You're dismissed. You can now go back to your work. Thank you." Wika ni General Hernandez kaya napalingon kami sa kanya.

Pareho kaming sumaludo sa kanya bago kami tuluyang lumabas sa opisina niya. Nauna na ako kay Captain Alferez sa paglalakad dahil wala naman akong dahilan para sabayan siyang maglakad.

"Captain Javier, wait!" Humabol siya sa akin para sabayan ako sa paglalakad.

"Our mission is done, Captain. Wala nang rason para mag-usap tayo." Aniko at mas binilisan pa ang hakbang pero sumunod parin siya.

"Hey," hinawakan niya ako sa siko para pigilan maglakad. "I just want to talk to you…"

"Tungkol saan ba, Captain?" Napipilitan kong tanong para tigilan niya na ako.

"I know I've become an asshole to you these past few days so I just want to say… sorry." 

Nagkatitigan kaming dalawa. Hinihintay kong tumawa siya o bawiin ang sinabi niya pero mukang seryoso siya dahil hindi man lang siya natawa.

"Okay." Aniko na lang bago siya tinalikuran.

"Is that all?!" Pahabol niya.

"I'm fine as long as hindi mo na ulit ako kukulitin, Captain!" Pasigaw ko namang sagot dahil nakalayo na ako sa kanya.

"I'm sorry again, Captain Javier!"

Napangiti ako habang naglalakad pabalik sa opisina. Masaya pa rin ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko. San Diego ang kinalakihan kong lugar pero unti-unti ko na nagugustuhan dito. Mababait naman ang karamihan sa kanila. Hindi rin naman ako masyadong nahihirapan dito kaya sa tingin ko dito na ako magsisimula ulit… kasama si Hegel.

Pag-upo ko sa swivel chair kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Ava. Mabuti na lang sumagot agad ito kahit na alam ko namang busy siya sa oras na 'to.

"May balita ka ba sa pagkamatay ni Kapitan Buentura?" Tanong ko sa mahinang boses.

["Yes. Ibang tao ang pinagbibintangan ng pamilya niya. Sabi mo dumaan ka sa harapan nung asawang babae 'di ba? Hindi ka niya maalala. Hindi ka nga niya ata nakita. Yung mga CCTV naman sa kalapit bahay mukang nadispatsya na ng mga magulang mo. Walang kahit na anong evidence na pwedeng magturo sayo."]

"They still clear the crime scene I made kahit na hindi nila ako anak."

["Of course, Arzi! Pag nahuli ka siguradong pati sila madadamay. Nag-iingat lang sila para sa sarili nilang interes."]

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon