ARZI
"You're not leaving me, Arziana." Matigas na sabi ni Hegel.
Inagaw niya ang military bag ko at tinapon iyon sa malayo. Pati ang mga dadalhin kong gamit pinagtatapon niya rin sa malayo. Ngayon nagkalat na ang mga gamit ko sa sahig dito sa kwarto ko.
"Kailangan kong gawin 'to, Hegel…" umiiyak kong sabi tsaka siya mahinang tinulak para makadaan ako.
"No!" Hinawakan niya ako sa palapulsuhan para pigilan. "Dito ka lang, Arziana. Kanina pa ako nagtitimpi. Gustong-gusto ko nang sumabog sa galit pero hindi ko magawa dahil baka ikaw ang saktan nila."
Umiling-iling ako. "Hindi mo naiintindihan, Hegel!"
"Ipaintindi mo kasi sa akin para maintindihan ko, Arziana!" He snapped.
Natigilan ako. Gustong-gusto kong isumbong sa kanya ang lahat. Gustong-gusto kong sabihin ang lahat ng alam ko tungkol sa mga magulang ko pero natatakot ako na baka iwanan niya ako at kasuklaman. Hindi ko iyon kaya.
"I hope you don't forget that we just got married. You have your husband on your side. How can you not trust me?"
"Pasensya na, Hegel…"
"How can I protect you from them if you don't let me hear the side of your story? Darling, I'm your husband now. Let me handle this, please…" nagmamakaawang aniya.
"Pero kailangan din naman ako ng bansa natin. Sundalo tayo pareho, Hegel. May giyera sa Mindanao kaya kailangan din ako doon." Sinubukan ko pa rin maging kalmado kahit na umaapaw na ang salo-salong emosyon sa loob ko.
"I need my wife too." Lumambot ang boses niya pero nananatiling seryoso.
"Hegel…"
"Please, let me handle this… baby,"
Hinawakan niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. Nanunuyo ang kanyang mga mata, sinusubukan akong paamuhin.
"Don't leave me. Huwag naman doon. Delikado doon. I can't… I can't let you go to the battle ground lalo na kung hindi mo ako kasama."
"We have responsibilities to fulfill, Hegel."
"I know! Pero yung mommy mo lang naman ang may gusto nito. Gusto niya tayong paghiwalayin."
Pero sasaktan ka niya pag hindi ako sumunod sa gusto niya.
Pareho kaming napatitig sa mata ng bawat isa. Inabot ko ang kaniyang magkabilang pisngi at marahan iyong hinaplos. Nagbabakasakali na siya ang mapaamo ko.
"Please?" Malambing niyang sabi. Pati ang paraan ng pagtingin niya sa akin ay lumambot. "Darling, please…"
Sa huli ako pa rin pala ang napaamo. Umupo ako sa kama habang hinihintay ko si Hegel matapos. May kausap ito sa cellphone at mukang ginagawan niya na ng paraan ang tungkol sa pag deploy sa akin sa Mindanao.
Habang abala siya sa pakikipag-usap pasimple akong lumabas ng kwarto. Nakita ko sila General Javier, Tita Susan, Aera, Miggy, Evans, Bullet, Ava at Kuya sa sala na nag-uusap ng seryoso.
Nang makita ni Kuya Zandriel ang suot kong military uniform agresibo nitong sinuklay ang buhok bago lumapit sa akin.
"Just for once in your life, Arzi, huwag ka ngang sumunod sa lahat ng sinasabi nila mommy at daddy!" Aniya, nagagalit.
"Stop putting nonsense on your sister's head, Zandriel." Boses iyon ni Major mula sa taas. Pababa na ito ng hagdan at sa bawat hakbang na gagawin niya naririnig ko ang tunog ng takong niya. "Are done packing your things, Anak?" Tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...