ARZI
"Bakit nandito tayo?"
Huminto kaming pareho sa harap ng isang wedding gown boutique dito sa third floor ng mall. Malaki iyon at halatang mamahalin ang mga gowns na naka display sa loob.
"Sinabihan ako ni Mommy na pumunta dito para magpasukat ng bridal gown mo at tuxedo ko."
"Walang sinabi sa akin si Major, Hegel."
Nangunot ang noo nito. "Kinausap na siya ni mommy, Arziana. Stop worrying."
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko bago siya nanguna maglakad papasok sa loob ng boutique.
"Welcome to Mariel's wedding gowns boutique!" Iyon agad ang bungad sa amin nung babaeng receptionist sa loob. "How can we help you, Ma'am, Sir?"
"Hi! I'm Hegel Zaion Javier, we're here for fittings. Nakausap ko na si Ninang and Mommy regarding this. Pinapapunta na lang nila kami dito para makita yung mga gowns and suits."
"Ah, yes, sir! Ma'am Mariel told me about you and your beloved fiancée… Follow me this way, Sir, Ma'am…"
Sumunod kami sa babae hanggang sa marating namin ang isang room kung saan may malaking sofa at salamin. Iniwan niya kami dito para kumuha siya ng complementary drink and bread na hinatid niya naman agad sa amin. Sabi niya rin tatawagin niya lang ang may-ari ng boutique para iyon mismo ang mag asikaso sa amin.
"Do you have wedding gown designs on your mind?" Tanong niya habang umiinom ng juice.
Umiling ako. "Wala."
"Why? Wala ka bang dream wedding gown? Have you not thought about it in the past?"
"Kahit ano lang ayos na sa akin, Hegel…" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Kahit ano? Even if I asked you to wear a one-piece swimsuit on our wedding day?"
"Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin, eh…" napasimangot ako sa kanya. "Wala lang talagang kaso sa akin kung ano mang design ng wedding gown ang suotin ko."
"I don't like that, Arziana." Nilapag niya ang hawak niyang baso para harapin ako. "Gusto kong suotin mo ang wedding gown na gusto mo. This might be an arranged marriage, I want you to at least wear something you really want on your wedding day."
"Ahm kasi…" napaiwas ako ng tingin.
"Kasi what?"
"Hindi ko talaga alam ang gusto ko. Mahilig ako sa magaganda at mamahaling damit pero ang pag-iisip tungkol sa wedding gown ni minsan hindi sumagi sa isipan ko." Pag-amin ko.
"How can I choose my groom's suit kung hindi mo alam ang gusto mo?"
"Ano namang kinalaman ko sa suit mo?"
"Syempre dapat partner ang suot natin, Arziana." Kunot noo niyang sagot.
"G-Ganun ba 'yon?"
"Pwede rin namang hindi. Mag susuot ka ng wedding gown na gusto mo tapos ako boxer lang ang suot. How about that, Darling ko?"
Hala! Saan ako dapat unang mag rereak? Sa balak niyang suotin na boxer o doon sa tawag niya sa akin?
"Friend lang pala tayo, hindi pala dapat kita tinatawag na darling." Aniya at natawa.
Hindi nalang ako umimik. Mabuti nalang pumasok ulit dito yung babaeng nasa reception kanina habang tinutulak ang isang rack na may nakasampay na tatlong wedding gowns at tatlong groom's suit.
"Papunta na po si Ma'am Mariel, Sir, Ma'am…" Sabi nung babae bago lumabas ulit dito sa room.
Nang lingunin ko si Hegel may kausap na ito sa cellphone niya sa gilid. Mukang ayaw niyang marinig ko iyon dahil ang oa ng hina ng boses niya. Pasulyap-sulyap pa siya sa akin, mukang tinitignan kung nakikinig ba ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...