ARZI
"Ma'am, ready ka na po?" Nakangiting tanong sa akin ni Vivian, isa sa wedding coordinator.
Tumango ako. Mahigpit ang hawak ko sa wedding bouquet nang mag-umpisa akong humakbang papasok sa simbahan. Sabi nila dapat daw sa araw ng kasal mo ikaw ang pinakamasaya dahil ikaw at ang mapapangasawa mo ang bida. Pero iba ngayon, kasal ko nga pero si Mommy at Daddy ang pinakamasaya.
Naglalakad ako ngayon sa pasilyo kung saan kitang-kita ko ang lahat. Yung mga bisita na hindi naman ako ang nang-imbita. Yung kulay ng mga bulaklak na hindi ko gusto. Yung motif para sa sarili kong kasal na hindi naman ako ang pumili at ang background music na hindi ko maramdaman. Lahat ng nandito hindi ko gusto. Lahat ng ito kagustuhan lang ng mga magulang ko.
Huminto ako sa paglalakad para tumingin sa pinaka dulo ng altar kung saan naroon si Hegel na nakangiting naghihintay. Suot niya ang groom's suit na sabay naming pinili kasabay ng gown na suot ko ngayon.
Umayos agad ako ng tayo nang tumabi sa akin si General at Major. Suot ni Daddy ang kanyang General suit samantalang si Mommy naman ay naka kulay beige filipiñana gown at may pin.
"Ngumiti ka. Ayusin mo 'yang reaksyon mo. Huwag mo kaming ipapahiya." Nagbabantang bulong ni mommy sa gilid ko bago ngumiti sa mga guest.
"Opo," sagot ko.
Mayamaya humilera ang mga sundalong imbitado. Isa-isa silang luminya sa bawat gilid tsaka tinaas ang hawak nilang rifle gun. At sa bawat na lalampasan namin sila tsaka lang nila ito ibinababa hanggang sa marating namin ang pwesto ni Hegel at mommy at daddy niya. Nandoon din si Kuya na kunot noong pinapanood kami.
"What a beautiful bride, Arziana." Iyon agad ang bungad sa akin ng mommy ni Hegel. Bumeso ito sa akin at ngumiti. "I'm so happy that finally magiging parte ka na ng pamilya namin."
"Thank you po," nakangiti kong sambit.
"Hija, congratulations." Inabot sa akin ni General Javier ang kamay niya. "Welcome to our family."
"Thank you po, General Javier." Sinsero ko namang sabi.
Tumingin ito kay General at Major.
"Balae," una siyang nakipag kamay kay Major bago kay General. "I guess this is the start of our partnership. For the Sagrado and Javier Family."
"For our Family, General Javier." Nakangiti namang sabi ni General, proud na proud.
"We'll talk about that after this, General. Sa ngayon ipakasal na muna natin ang mga anak natin." Sumingit naman si Mommy.
"Kuya…" tawag ko dahil nananahimik lang ito ngayon.
"Congrats." Malamig niyang sabi.
"Zandriel your attitude!" Mahina pero gigil na sabi ni Major sa kanya.
Mas lalong nabusangot si Kuya. "What now, Mom? Do you want me to jump in happiness 'cause my sister is getting married?"
"Nakakahiya ka talagang bata ka." Nasabi na lang ni Mommy. "General Javier, Susan, I'm sorry."
"It's fine, Diana. We understand." Ani mommy ni Hegel.
"Y'all done?" Umalingawngaw ang boses ni Hegel. "Pwede na ba kaming ikasal?"
"Yeah, of course…" natatawa na sabi ni daddy bago ibinigay ang kamay ko kay Hegel. "I hope you two can get along."
"Of course, General. Hindi naman po masama ang ugali ng anak mo kaya madali na lang 'yan." Ani Hegel halatang may ibang pinaparating.
"Anak…" nanunuway na sabi ni tita Susan sa kanya.
"Oh, I'm sorry." Halatang sarkastikong aniya.
Tuluyan nang hinawakan ni Hegel ang kamay ko kaya humakbang na ako palapit sa kanya. Nang ngumiti siya sa akin ngumiti rin ako pabalik sa kanya. Nilapit niya ang mukha sa bandnag tenga ko tsaka bumulong.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...