ARZI
"Everything is settled for now pero mag-ingat pa rin kayong mag-asawa hangga't hindi nahuhuli ang mag-asawang Sagrado." Ani Ava.
Napaupo ako sa sofa at napahilot sa ulo. Umupo rin si Ava sa gilid ko at marahan na hinaplos ang likod ko.
Pumunta siya agad dito matapos malaman ang nangyari sa akin.
"Matatapos din ang lahat…" mahinang aniya.
Nilingon ko siya.
"Ang hirap-hirap na, Ava. Parang kamatayan na lang ang paraan para maging tahimik ang buhay ko."
"Don't say that! Mahuhuli natin sila. Pagbabayaran natin ang ginawa nila sa'yo, sa mga biktima nila at sa mga magulang mo. Magiging maayos din ang lahat, okay?"
Napangiti ako sa kanya nang yakapin niya ako. Mayamaya ay napabuntong hininga ako habang nakatingin sa mga bangkay na nilalabas dito sa bahay namin. Si Hegel ang naging abala mag-asikaso tungkol doon dahil hindi niya ako pinayagan lumapit.
"Kumusta ang asawa mong may amnesia?" Tanong ni Ava nang mapalingon siya sa gawi ni Hegel at ilang pulis.
"Medyo masungit at minsan di ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niya." Sagot ko.
Nangunot ang noo ni Ava nang malingunan ako.
"What do you mean?"
"Nagwala siya noong nalaman niya ang tungkol sa akin. Pinalayas niya ako pero sinundan niya rin naman ako sa condo na tinutuluyan ko." Pagkuwento ko.
Natawa ito.
"Nakalimutan ka lang ng isip niya pero syempre hindi ka nakalimutan ng puso niya. Huwag kayong maghihiwalay, ah? Dapat maging masaya lang kayo. Kainggit naman." Napabuntong hininga siyang napasandal sa sofa. Umikibit balikat siya at sumimangot.
"Magseryoso ka na kasi, Ava. Lagi ka na lang kasi naglalaro."
"Seryoso na ako ngayon, girl!" Aniya agad. "Ewan ko lang sa kanya…" humina bigla ang boses niya.
"Sinong tinutukoy mo?" Puno ng kuryoso kong tanong.
"Basta. Bwiset siya." May halong inis niyang banggit at umirap pa.
Umalis na din ang mga imbestigador at mga pulis pagkatapos ng mga ginawa nila. Kinuhaan lang nila ako ng statement pati si Hegel, nakatulong din si Ava dahil siya ang nagpaliwanag tungkol sa mag-asawang Sagrado na siyang may pakana sa lahat.
Umalis din si Ava, sabi niya sa akin hindi muna siya babalik sa San Diego. Sabi ko sa kanya dito na siya bahay matulog pero tumanggi siya at sinabi na may pupuntahan daw siyang importante.
Mayamaya dumating naman ang grupo ni Aera. Kasama niya si Bullet at Evans pero wala si Miggy, busy daw.
"Okay na yung condo. Mabuti na lang talaga walang nadamay sa palitan ng mga putok ng baril kanina. Swabe ka talaga, Arzi." Umapir pa sa akin si Aera pagkatapos sabihin 'yon.
"You knew about her secret?" Gulat na tanong ni Hegel kay Aera.
"We knew." Pagtatama naman Evans.
"And it's okay with you?" Parang hindi pa siya makapaniwala.
"Because it's okay with you too." Ani Bullet na mas lalong nagpakunot ng noo ni Hegel.
Napailing siya. "Baliw na ako…" aniya at napasabunot sa sariling buhok. "Now I'm fucking obsessed with her regardless of everything she did."
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Nahihiya naman akong napatingin sa tatlo na may nang-aasar na ngiti sa akin.
"Nawalan man ang alaala niya, baliw pa rin siya sayo." Ani Aera.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...