Kabanata 44

2.8K 73 55
                                    

ARZI

Tahimik akong umalis sa condo ng hindi siya ginigising. Dumiretso ako sa kampo at doon na nag-almusal. Ayaw ko lang na pag gising niya magalit agad siya dahil nakita niya ako. Mas mabuti na yung iwasan ko muna siya para hindi sumakit ang ulo niya dahil sa akin.

Tinuon ko ang buong atensyon ko sa pag train ng mga bagong pasok na military reservist. Ngayon din kasi ang agility test nila at ako ang naatasan magsagawa nun. Simula umaga tanghali na kami natapos.

Dumiretso na ulit ako sa opisina ko para tapusin naman ang ilang mga reports na kailangan ko na matapos bago pa dumating ang araw ng deployment namin.

Tumigil ako sa ginagawa ko nang may kumatok sa pinto at bumukas iyon. Pumasok doon si Captain Alferez.

"Di ka kakain?" Tanong niya.

"I already ate, Captain Alferez. Thank you for asking." Nagsinungaling ako dahil ayaw kong pilitin niya akong kumain lalo na wala naman akong gana kumain.

"Okay. Work well, Captain." Aniya at sinarado na ang pinto.

Nahirapan na akong ibalik ang atensyon ko sa ginagawa ko kaya hindi ko na ito tinuloy. Lumabas ako ng opisina dala ang tumbler para pumunta sa field. Umupo ako sa isa sa mga upuan na naroon at tinanaw ang malawak na paligid.

Gusto ko lang muna huminga. Ang daming nangyari. Parang sasabog na ang ulo ko sa sunod-sunod na nangyari sa akin. Siguro naman pwede akong huminga kahit saglit…

Para na akong mababaliw. Paano ko iisipin ang mga problema ko? Sila General at Major tumakas. Yung asawa ko may amnesia at pinalayas pa ako. Malapit na rin yung deployment ko tapos ganito pa nangyari sa amin ni Hegel.

"Ang hirap-hirap…"

Napatingala ako sa langit at napabuntong hininga. Siguro naman po may katapusan 'tong problema ko, no? Ang bigat-bigat na po kasi.

"Why are you here?"

Napalingon agad ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses na iyon.

"Hegel?" Napatayo ako para maharap ko siya ng maayos. "Anong… ginagawa mo dito?"

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Nakasuot ito ng casual shirt na kulay army green, black pants at black jacket.

Nagsalubong ang kilay nito. "Ayaw mo akong makita?"

"Ha?"

"Ayaw mo akong makita?" Ulit niya, ganun pa rin ang reaksyon.

"H-Hindi naman sa ganun, Hegel, pero 'di ba… ikaw ang ayaw akong makita?" Kinabahan tuloy ako bigla.

Tumayo ito. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng jacket niya.

"Kumain ka na?" Tanong niya hindi agad ako nakasagot. "Hindi na naman?"

"K-Kumain na ako kani—"

"Tsk. Liar." Pinutol niya ang sinasabi ko.

"Wala naman kasi akong gana." Pag-amin ko. "Kakain ako mamaya."

"Nagugutom ako."

"Hindi ka pa ba kumakain, Hegel?"

"Yayain mo akong kumain." Aniya, hindi ko alam kung suggestion ba 'yon o utos.

"Ayaw ko." Tanggi ko na ikinakunot ng noo niya.

"And why?" Halatang nayayamot niyang tanong. "Nagugutom nga ako!"

"Edi kumain ka mag-isa, Hegel. Imbes na pumunta ka dito dapat dumiretso ka na lang sa restaurant para kumain."

Ang gulo-gulo niya, ah! Pagkatapos niya akong palayasin gusto niya pa ngayon ayain ko siya kumain. Ayoko. Mamaya sumakit na naman ang ulo niya dahil sa akin.

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon