ARZI
"Nasaan yung guest room?" Tanong ko kay Hegel pag pasok namin dito sa bahay niya.
Hindi ko na magawang bigyan ng atensyon ang kabuuan ng bahay dahil simula pa kanina sa byahe inaapoy ako ng lagnat. Sobrang sakit ng ulo ko kaya gusto ko na lang muna magpahinga. Mamaya ko na lang lilibutin 'tong bahay niya pag magaling na ako.
"Guest room?" Nagsalubong ang kilay niya. Nilapag niya ang mga gamit niya sa sofa tsaka lumapit sa akin.
"Sige dito na lang ako magpapahinga sa sofa." Nilagpasan ko siya para sana humiga na sa sofa pero bigla niya akong binuhat. "Hegel, ano ba?!" Pakiramdam ko mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit tapos ganito pa siya.
"Doon ka sa kwarto ko." Aniya at naglakad na.
Napapikit na lang ako at napailing sa kanya. Masyado akong mahina ngayon para intindihin pa ang mga ginagawa niya. Ang mahalaga lang ngayon sa akin ay ang matulog dahil nanghihina talaga ng sobra ang katawan ko.
"Manang paki handa po ng tubig na may yelo at face towel. Nilalagnat po kasi 'tong kasama ko." narinig kong aniya.
"Sige, Hijo. Paglulutuan ko rin siya ng lugaw para makakain siya at makainom ng gamot." Sagot naman ng kausap niyang matandang babae.
Wala na akong lagnat kanina pero ngayon bumalik na naman at mas malala pa ito. Siguro dahil na rin sa panay ang lakad ko kaya ganito ang nangyari.
Naramdaman kong pumasok kami sa isang kwarto. Dahan-dahan niya pa akong hiniga sa kama. Hindi ko na magawang mag mulat ng mata dahil hindi ko kaya. Nilalagnat na nga ako at masakit na ang ulo ko kumikirot pa ang pagkababae ko.
Lumubog ang gilid ng kama dahil sa pag-upo ni Hegel doon.
"Darling," mahinang tawag niya pero hindi ako umimik. Hindi naman Darling ang pangalan ko. "Magpalit ka muna ng damit…"
"Mamaya na." hinang-hina na sabi ko.
"Hindi pwede. Palitan mo muna 'yang uniform mo." Pagpupumilit niya pa. "I need to check it, Arziana. Lakad ka kasi ng lakad kanina."
Umiling ako, parang maiiyak na. "H-Hindi ko kaya." Hilong-hilo at hinang-hina na talaga ako.
"I'll help you," hinawakan niya ako sa kamay para tulungan maka-upo. Nananatili akong nakapikit pero gising na gising ang diwa ko sa mga ginagawa niya. "Makulit ka kasi, Arziana. Alam mo naman bawal ka maglakad-lakad pero hindi ka nakikinig." Nanenermon pa siya!
Sa pagkakataon na 'to nagmulat na ako ng mata. Nasa harapan ko siya ngayon nakatayo habang napapagitnaan siya ng mga binti ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya habang napapahikbi ako. Ang sakit na nga ng ulo ko pagagalitan niya pa ako. Siguro awang-awa na naman siya sa akin dahil ganito ako ngayon. Lahat na lang talaga nakakaawa sa akin.
"Hey, don't cry!" Inagapan niya agad ang luhang papatulo.
Inalis ko ang kamay niyang pumunas sa luha ko at napatakip sa mukha. Pati tuloy ako naaawa sa sarili ko.
"Let me help you change…" aniya tsaka sinubukan ibaba ang zipper ng military jacket ko.
Inalis ko ulit ang kamay niya. "Kaya ko na." Aniko. Ako na ang nagbaba ng zipper.
Tinulungan niya na lang ako hubarin iyon dahil nahihirapan akong gawin iyon. Ang sunod ko namang hinubad ang suot kong military shirt. Wala na akong pakialam kung makita niya ang bra at dibdib ko. Nakita niya na iyon last night kaya wala ng bago kung makita niya man ulit 'yon ngayon.
"Suotin mo muna 'tong t-shirt ko." Sabi niya tsaka sinuot iyon sa akin. Kulay puti iyon at alam kong malaki talaga iyon sa akin dahil malaki ang katawan niya.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...