Kabanata 47

2.3K 66 29
                                    

ARZI

Halos manghina ako nang dalhin ako ni major sa isang silid kung saan naroon ang mga magulang ni Hegel, ilang sundalo at maging si Ava. Lahat sila ay nakatali ang mga kamay at paa. May busal sa bibig at may takip ang mga mata.

"Surprise, anak! Nagustuhan mo ba ang surprise namin sayo ng daddy mo?" Nakangising sabi sa akin ni Major.

"Pakawalan mo sila! Mga hayop talaga kayo!" Sigaw ko at sinubukang lumapit sa kanila pero hinawakan agad ako nung isang lalaking miyembro ng pulang araw. "Dad! Mommy! Ava!" Umiiyak kong sigaw.

Agad na napuno ng impit na ungol ng iyak ang silid nang marinig nila ang sigaw ko. Inutusan ni General ang isang lalaki na tanggalin ang mga piring nila Ava na agad naman nitong sinunod.

Unang inalis ang piring ni mommy Susan na agad na nangilid ang luha nang magsalubong ang tingin namin.

"M-Mommy!" Tawag ko sa kanya.

"Ako ang mommy mo, Arziana!" Sigaw sa akin ni Major.

Masama ko siyang tinignan "Hindi kita nanay!" Sigaw ko rin.

Bumaling ulit ako kila Ava. "Ayos lang po ba kayo? Hindi po ba kayo nasaktan?"

Pare-pareho namang silang tumango sa akin.

"Sorry po… I'm sorry po…" umiiyak kong sambit habang pilit na kumakawala sa humawak sa akin. "Bitawan niyo ako! Pakawalan niyo sila! Ava…"

Umiling-iling sa akin si Ava, mukang pinipigilan ako sa ginagawa kong pagpupumiglas. Si mommy at daddy naman sinusubukan palakasin ang loob ko sa paraan ng tingin nila sa akin.

Naglakad si Major papunta sa gawi nila Ava. Naglakad-lakad ito sa harapan nung tatlo habang nakangiti.

"Mamili ka, Arziana… sino sa kanilang tatlo ang gusto mong maunang mawala?"

"Wala kang gagawin sa kanila, Major! Hindi mo sila sasaktan!"

Tumigil siyang bigla sa harapan ni mommy Susan bago ako hinarap.

"At sino namang tanga ang nagsabi sa'yo niyan?" Tumaas ang kilay niya. "Gusto mong unahin ko na 'tong tinatawag mong mommy, ha?!" Aniya tsaka hinawakan ng mahigpit sa buhok si mommy.

"Mommy!" Napasigaw ako sa kaba.

"Mommy ka ng mommy! Hindi mo nga siya mommy, Arziana! Ako ang mommy mo! Ako lang ang mommy mo!" Aniya na para bang nagseselos na ina!

"Baliw ka! Wala akong nanay na baliw!"

"Ah ganun, ah!" Bigla niyang kinuha ang kanyang baril at kinasa ito bago tinutok sa ulo ni mommy. Napapikit naman si mommy Susan sa ginawa niya.

"Huwag!" Pigil ko. Napaluhod ako sa kaba at panghihina. "H-Huwag po… m-mommy…"

Agad niya namang binaba ang baril niya matapos marinig ang sinabi ko. Humarap ito sa akin na may ngiti sa labi.

"Ayan, anak… ganyan ang gusto ko." Wika niya habang naglalakad palapit sa akin. "Tumayo ka riyan, halika…"

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at inalalayan para makatayo. Panay ang tulo ng luha ko. Hindi ko alam kung anong rason bakit ako umiiyak. Umiiyak ba ako dahil sa takot at pag-aalala? O umiiyak ako sa sobrang galit ko sa kanya?

"Huwag mo po silang sasaktan, mommy." Nakikiusap kong sabi.

Tumango naman siya agad. Pinunasan niya ang luha ko at inayos ang buhok ko. "Yes, anak, hindi ko sila sasaktan."

"Gagawin ko po ang lahat ng gusto niyo basta hindi mo sila gagalawin."

"Lahat?" Nangislap ang mga mata niya. "Lahat talaga, anak?"

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon