Kabanata 31

2.8K 41 12
                                    

ARZI

Napapangiti na lang ako tuwing pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Hegel kanina sa akin sa kampo. Hindi ko maitago ang kilig ko. Kahit pa may inasikaso pa ako kanina iyong mga salita niya ang tumatakbo sa isipan ko.

Pag-uwi namin sa bahay nauna na akong umakyat sa kwarto dahil may kinausap pa si Hegel sa cellphone niya. Nagpalit muna ako ng damit bago ako bumaba para mag asikaso naman ng kakainin naming hapunan.

"Yes, I'll send it right away. Thank you, Sir. Yes, Sir."

Tumigil ako sa paglalakad para tignan siya. Binaba na nito ang tawag pero nasa cellphone pa rin ang tingin niya.

"May importante ka pa bang gagawin, Hegel?"

Nag-angat ito ng tingin sa akin.

"Kailangan ko ipasa yung report tungkol sa kaso ni Senador Fuentes at Justin. Hinahanap na kasi nung nag iimbestiga sa kaso."

Natigilan ako. Nakalimutan ko ang tungkol doon. Akala ko tapos iyon hindi pa pala. Napalunok ako.

"May… may suspek na ba?"

"Meron. Marami pero kulang ng ebidensya. He has a lot of enemies. Kaya kailangan ko na maipasa 'yung report baka may makuha silang leads doon."

Binulsa nito ang cellphone niya bago lumapit sa akin.

"Gusto mo bang dumalaw sa burol?" Tanong niya.

"H-Hindi na, Hegel…" umiling ako. "Baka hindi magustuhan nila Major na pumunta ako doon kaya hindi na lang."

"You sure? Kahit inis ako sa Justin na 'yun papayag naman akong makita mo siya sa huling sandali."

Umiling ulit ako para tumanggi. Sinubukan kong ngumiti sa kanya para hindi niya mahalata ang kaba ko.

"Hindi na, Hegel. Busy din naman ako. May kailangan pa akong tapusin kasi malapit na yung bomb drills."

"Okay. Bihis lang ako." Aniya, dinampian niya pa muna ako ng halik sa labi bago siya tuluyang umakyat sa taas.

Napabuntong hininga ako at napahilot sa ulo ko. Ako ang may gawa niyon. Ako yung suspek na hinahanap nila… Ano na lang kaya ang magiging reaksyon ni Hegel pag nalaman niyang mamamatay tao ako? Sigurado akong kasusuklaman niya ako dahil ang asawa niyang mala anghel sa paningin niya, kriminal pala.

Wala sa sarili akong naglakad papunta sa kusina. Hinanda ko ang pagkain namin na niluto ni Manang pero para namang lumilipad ang isipan ko sa kung saan. Pagbaba ni Hegel tumulong na ito sa akin mag asikaso.

"Ahm… Hegel?" Pagtawag ko sa gitna ng pagkain namin.

Nag-angat ito ng tingin. Ngumunguya pa ito habang naghihintay sa sasabihin ako.

"Naisip ko lang… what if hindi ako… hindi ako…"

Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor. Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Kusang umuurong ang dila ko. Kumakabog ng mabilis ang puso ko at natatakot. Ayaw kong mag-iba ang tingin niya sa akin pero…

"What if you're not what?" Curious niyang tanong.

Napalunok ako.

"Paano kung hindi ako m-mabait?"

Sa wakas naitanong ko rin. Umayos ito ng upo. Halatang naguguluhan siya sa bigla kong tanong pero muka naman siyang interesado sa topic na 'to.

"That's so random, why'd you ask? Why do you think you're not mabait?" Tanong niya. Nilapag niya ang hawak niyang kutsara at tinidor para harapin ako ng mas maayos.

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon