ARZI
Pag-uwi namin ni Hegel sa bahay naabutan namin doon ang mga magulang niya. Nung nabalitaan nila na nakauwi na si Hegel pumunta agad sila para makita ang anak nila. Gaya ko nagulat din sila sa nalaman tungkol sa kalagayan ni Hegel. Nalulungkot din sila para sa akin dahil sa dami ng pwedeng makalimutan ako pa daw talaga.
"Hayaan niyo po, dad, mom, hihintayin ko po na bumalik ang alaala ni Hegel. Aalagaan ko po siya para mas mabilis siyang maka recover." Aniko sa kanila para mabawasan ang kanilang pag-aalala.
"Sigurado ka bang ayos ka lang mag-isa dito? Kung gusto mo dito na muna ako para masamahan ko kayong dalawa." Sabi naman ng mommy ni Hegel.
"Tama ang mommy niyo, Hegel, Arzi. Dito na muna siya para may makatulong kayong dalawa." Sumang-ayon naman sa kanya si daddy.
"Alam ko naman pong busy po kayo ngayon lalo na't simula na po ngayon ng pangangandidato kaya ayos lang po kami ni Hegel dito." Tumanggi ako sa alok nila. "Si Mayor Jacinto po pala ulit ang inendorse niyo. Mabait po siyang mayor. Hindi po kayo nagkamali na piliin siya."
"Sabagay mahaba-haba din ang panahon na nagkahiwalay kayo kaya gusto niyong sulitin ang bawat oras niyo na kayong dalawa lang." May laman na sabi ng mommy ni Hegel. Pareho pa silang mag-asawang natawa.
"Of course I want to have quality time with my wife, mom. Naka leave ako ngayon sa duty kaya mas may time kaming dalawa." Sabi naman ni Hegel.
"Tama 'yan, anak! Sa day-off ng asawa mo mag date kayong dalawa para mabawi niyo yung mga araw na hindi kayo magkasama." Suhestiyon ng mommy niya.
"Para sa susunod na araw hihintayin na lang namin ang balita na may apo na kami sa inyo." Dugtong naman ng daddy niya at natawa.
Nanlaki ang mata ko at nahihiyang napangiti sa kanila. Si Hegel naman ay napangiti din na para bang nagustuhan ang sinabi ng daddy niya.
Umangat ang gilid ng labi niya. "Kami na bahala diyan, daddy." Aniya tsaka tumingin sa akin.
Bumaling sa kanya ang mommy niya. "Mag bonding kayong dalawa para mas mabilis mong maalala si Arziana, anak. Gawin niyo yung mga ginagawa niyo dati. Malay niyo makatulong para marecover mo yung mga alaala mong nawala."
Pareho na silang tatlong napatingin sa akin at mukang naghihintay sa sasabihin ko. Tumikhim ako at umayos ng upo.
"Gusto ko pong gawin 'yon kasama si Hegel pero naka schedule na po yung pag destino ng team namin sa Pantabang province." Aniko.
Nawala ang ngiti nila nang marinig ang sinabi ko. Nagkatinginan pa muna kami ni Hegel ng ilang segundo bago ito biglang tumayo at walang imik na umakyat sa taas.
"That's… so sad, hija." Si mommy ang bumasag sa katahimikan. "Kung kailan bumalik si Hegel ikaw naman ang aalis."
"Ganyan talaga pag sundalo, Susan. Hayaan muna natin silang mag-usap mag-asawa. Sige na, Arziana. Sundan mo 'yon…" ani daddy niya.
Tumayo ako. "Excuse po muna, dad, mom." Aniko tsaka sinundan na si Hegel sa taas.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto naabutan ko siyang nakaupo sa sofa habang nakakibit ang balikat. Nakasimangot rin ito habang diretso ang tingin sa akin.
Kinabahan ako bigla.
"Hegel," mahinang tawag ko.
"Hindi rin pala kita makakasama."
"Kanina ko lang 'yon nalaman, Hegel. Kanila lang ako kinausap ni General Hernandez." Paliwanag ko.
Hindi siya kumibo. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Diretso pa rin ang tingin niya at hindi na nawala ang pagsimangot nito.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...