ARZI
AN: This chapter is the continuation of the prologue (First Mission)
Kung mauulit lang talaga ang panahon, hinding-hindi ako magpapakasal sa kanya... para hindi niya naranasan yung mga hirap na pinagdaanan niya.
Umiiyak akong bumalik sa opisina ko. Hindi ko na nakontrol ang emosyon ko. Miss na miss ko siya pero nakokonsensya ako dahil ako ang may dahilan kung bakit nangyari sa kanya 'to.
Napaupo ako sa sahig bago ko pa man narating ang lamesa at swivel chair. Pinatong ko ang ulo ko sa tuhod at doon umiyak nang umiyak. Para akong nabunutan ng tinik. Sa wakas, umuwi na siya sa akin...
"Captain Javier..."
Napabalikwas ako ng tayo nang marinig ko ang hindi pamilyar na boses ng lalaki. Nakatayo na ito ngayon sa pintuan. Isa siya sa mga kasama ni Hegel nung dumating sila.
"Hi, I'm Colonel Jester Aldos, commanding officer of special elite forces... you're Captain Javier's wife, right?" Inabot niya sa akin ang kamay niya.
Nagpunas agad ako ng luha para saluduhan siya bago tinanggap ang pakikipagkamay niya sa akin.
"Y-Yes, Sir..."
"I need to talk to you about Captain Hegel Javier's condition..." aniya na nagpakabog sa dibdib ko.
"Let's have a sit, Sir..." aya ko tsaka tinuro ang sofa.
"Yeah, sure."
Pareho kaming umupo doon, siya sa mahabang sofa ako naman naka-upo sa one seater sofa.
Napalunok ako, kinakabahan.
"Ano po yung tungkol sa condition ni Hegel?"
"This is Captain Javier's medical records..." paunang aniya at inabot sa akin ang brown envelope. "Unfortunately, Hegel experienced a traumatic head injury that led to temporary memory loss."
"P-Po?"
"According to the doctor na tumingin sa kanya sa Afghanistan, malakas daw ang impact ng pagtama ng ulo ni Captain Javier sa isang matigas na bagay. Iyon ang naging dahilan kung bakit pag gising niya may mga ilang memorya siya na hindi maalala, kabilang ka na doon..."
"Pero nakilala niya po ako kanina, Colonel. Nakita mo naman po na nilapitan niya ako at tinawag na Mrs Javier. Narinig mo naman po 'yun, 'di ba?"
"Yes, Captain. Kilala ka niya dahil sa mga kwento ni 2nd lieutenant Miggy Trinidad tungkol sa'yo. Actually, buong byahe namin pauwi dito sa pilipinas panay ang tanong niya tungkol sa'yo. He's really curious about you."
Napailing ako. Ayaw kong paniwalaan ang sinabi niya. Imposible 'yon! Hindi pwede...
"P-Pero..." nagbaba ako ng tingin sa hawak kong envelope. Ayaw kong tignan kung ano ang nakapaloob doon. Ayokong malaman na tama ang mga sinabi niya.
"Don't worry, Captain, it's just a temporary memory loss. Babalik din naman 'yon pag naka recover na siya."
"Alam mo po ba kung hanggang saan yung nakalimutan niya?"
"You are the last person he was thinking before the building collapsed. Sabi ng doctor malaki ang posibilidad na ang lahat ng tungkol sa'yo ay nakalimutan niya dahil sa nangyari sa kanya. Yung mga nakalipas na buwan siguro kasama sa nakalimutan niya-"
Wala na akong maintindihan sa sunod niyang mga sinabi. Napatulala na lang ako sa hawak kong brown envelope hanggang sa kusa na tumulo ang luha ko.
Kasalanan ko 'to... kung hindi niya ako nakilala hindi magkakaganito.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...