Kabanata 26

3K 40 4
                                    

ARZI

"Welcome to my team, Captain Arziana Sagrado." Pormal na sabi ni General Hernandez sa akin tsaka inabot ang isang kamay.

Agad ko naman iyong tinanggap.

"Pleasure to meet you, General. Thank you for welcoming me to your team."

"I'm looking forward to working with you. Nirekomenda ka sa akin ng dati kong sundalo kaya malaki ang expectation ko sayo, Captain," humalakhak itong tumingin kay Hegel na ngayon ay nakatayo sa gilid ko. "Captain Javier..."

"General," sumaludo sa kanya si Hegel bago muling nagsalita. "How are you, General? Matagal na rin nung huli tayong nagkita."

"Matagal na nga noong huling beses kitang nakita. Hindi pa ganyan ang katawan mo. Ngayon mas malaki ka na sa akin. Tumatanda na talaga ako." Napakamot pa ito sa ulo niya. "Balita ko nagpakasal ka na? Aba! hindi mo man lang ako inimbitahan sa kasal mo."

Nagkatinginan kami ni Hegel. Napakamot ito sa noo niya at nahihiyang nagbalik ng tingin kay General Hernandez.

"I'm sorry, General. Yung parents kasi namin ang umayos sa kasal. Hayaan mo po sa next wedding namin ng asawa ko ako mismo ang mag iimbita sa'yo."

"Aasahan ko 'yan, Captain Javier."

"Yes, General." Sagot naman ni Hegel.

Muli itong tumingin sa akin. Nananahimik lang ako habang nakikinig sa kanilang dalawa. Nag-angat ako ng tingin kay Hegel nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.

"Ikaw na po ang bahala sa asawa ko, General." Aniya.

"Don't worry, Javier. Your wife is in good hands. Saktong-sakto narito siya dahil siya ang ipapalit ko kay Salazar. Halika kayo, sumunod kayo sa akin. Ipapakilala ko ang asawa mo sa kanila."

Nanguna itong maglakad kaya sumunod agad kami sa kanya. Habang abala si Hegel sa pakikipag-usap kay General nililibang ko naman ang sarili ko sa pagtingin sa kabuuan ng kampo. Malaki ito at sobrang lawak pa ng field.

Hindi pa man namin nararating ang opisinang tinutukoy ni General may lumapit sa amin isang sundalong babae.

"Excuse me, General, may tawag po galing kay Sir Andres." Aniya.

Nilingon siya ni General. "Ngayon na ba, Tanya?"

"Yes, General. Importante daw po."

"Osige, ikaw muna ang bahala kay Captain Javier at Captain Sagrado. Dalhin mo sila sa opisina ni Salazar." Aniya bago tumingin sa amin. "Mauna na muna ako sa inyo. Captain Sagrado pag may kailangan ka umakyat ka lang sa opisina ko sa taas."

"Yes, General, thank you po." Aniko.

"Thank you for your time, General."

Pareho kaming sumaludo sa kanya ni Hegel bago ito umalis. Lumapit sa amin yung babaeng sundalo para magpakilala.

"I'm Sergeant Tanya Aguila po, Captain Sagrado and Captain Javier. Doon po ang opisina ni Captain Salazar." Tinuro niya ang di kalayuang pintuan. "Tara po, nandoon po sila Ma'am Aki, Ma'am Alex, Captain Salazar at Major Vendalle."

"Those fuckers..." rinig kong bulong ni Hegel kaya napatingin ako sa kanya. "They're my friends, Darling." aniya tsaka nakangising naglakad.

Pagdating namin sa tinutukoy na opisina kumatok doon si Sergeant Tanya bago binuksan. Sumaludo ito sa mga tao na nasa loob bago humarap sa amin.

"Iwan ko na po kayo dito. Pag may kailangan po kayo tawagin niyo na lang po ako sa field." Aniya at sumaludo rin sa amin ni Hegel.

"Thank you, Sergeant Aguila." I genuinely said.

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon