Kabanata 13

3.2K 54 27
                                    

ARZI

"Delulu ka ba, Pre?" Gumitna bigla sa amin si Miggy.

Napaatras ako sa gulat. Nang malingunan ko si Justin halata ang gulat nito sa mukha lalo na nung hinarang pa ni Miggy ang palad niya sa bandang dibdib ni Justin.

"Miggy…" mahinang tawag ko.

"Anong sa'yo ikakasal? Bossing namin ang ikakasal sa kanya. Umuwi ka na nga. Nakakainit ka ng ulo." Aniya na nagpalaki sa mata ko.

"Teka, Miggy…" hinigit ko siya paalis sa harapan ko.

"Ah, Boss Madame," natawa siya at napakamot sa ulo. "Sigurado akong iyon ang sasabihin ni Bossing sa kanya kaya ako na nagsabi."

"The heck? Sino ka ba?" Susugod sana si Justin kay Miggy pero humarang ako sa gitna nila.

"Umalis ka na, Justin." Aniko.

"Umalis ka na daw." Sabi naman ni Miggy sa likod ko, tunog nang aasar pa.

"This is ridiculous, Arzi. Pinapasundo ka na sa akin ng Mommy mo. Kailangan na natin bumalik sa San Diego para pag-usapan ang tungkol sa kasal natin." Humakbang pa siya palapit sa akin at pilit na inaabot ang kamay ko. "Arzi…"

"Hindi ako magpapakasal sa'yo, Justin." Mariing sabi ko. Nangunot ang noo niya at napapailing sa akin. "Umalis kana. Hindi ako magpapakasal sa'yo." Pagkatapos kong sabihin 'yon iniwan ko na.

Nagpipigil ang inis kong binuksan ang pintuan ng opisina ni Hegel. Naabutan ko siyang nakasandal sa lamesa niya habang naka kibit balikat. Mukang inaasahan niya ang pagdating ko dahil hindi man lang siya nagulat o nagtanong.

Diretso ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil wala namang reaksyon ang mukha niya. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako dahil wala man lang siyang ginagawa!

"What? You want me to congratulate you for having a new fiance?" Tumaas ang kilay niya sa akin. Nakuyom ko ang kamao ko. "Congrats." Aniya, umangat pa ang gilid ng labi.

"Congrats?" Pigil na pigil ang inis kong sabi. "Tinalikuran mo ako kanina. Wala ka man lang bang gagawin?"

"Darling, pag may ginawa ako sigurado akong hospital ang bagsak ng Justin na 'yon." Kalmadong sabi niya tsaka tumayo at naglakad papunta sa swivel chair para umupo.

"Edi sana iyan nga ang ginawa mo hindi yung tinalikuran mo ako kanina, Hegel!" Tumaas ang boses ko sa kanya. Masama ko siyang tinignan pero mukang walang epekto iyon sa kanya.

"Sus…" natawa siyang sumandal sa backrest ng upuan. "Did you even tell him that I'm your fiance?"

"Si Miggy… siya ang nagsabi."

"See? Ibang tao pa ang nagsabi." Nadidismayang saad niya.

"Bakit kasi hindi mo rin sinabi sa kanya?"

"Gusto ko ikaw mag sabi, eh." Sagot niya naman. Mas lalo tuloy akong naiinis.

"Kinausap na nila si Major at General. Pag pumayag sila sa offer ng pamilya ni Justin matatapos tayong dalawa."

Natigilan ito at napaisip sa binitawan kong salita. Gusto ko na lang maiyak dahil parang wala lang talaga sa kanya ang lahat!

"It's fine." Mayamaya ay aniya.

"A-Ano?"

"I said It's fine," ulit niya. "I will be single again. I can meet random girls. I can date whoever I like. I can fuck–"

"Ayaw na ayaw mo ba talaga sa akin para kailangan mo pang sabihin 'yan?" Lumaylay ang balikat ko. Yung inis ko kanina mas nadagdagan pa at sinabayan pa ng lungkot.

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon