CHAPTER 44: HARANA

284 10 1
                                    

Mikhail’s POV

“Mikhail! Jay! Ang Mommy ninyo may ibang lalaki!”- Dad

Nag-rerelax kami sa may balcony ng kwarto nila Mommy at Daddy… Maluwag kasi dito.. At kita ang buong garden namin….

Bilog na bilog ang buwan at ang liwanag…. Kitang kita din ang mga stars sa langit…. Maaliwalas at tahimik ang gabi….

Pero ang gulo ng parents ko… nag-aaway na naman -_______-

“Mga anak!! MAY LALAKI ANG NANAY NINYO!!!”- sigaw na naman ni Dad

Tumingin lang kami ni Jay sa kanya at nagkibit balikat….

Sino na naman kayang malas na lalaki ang pinagseselosan ni Dad? Umiral na naman ang pagkaseloso at pagka childish….Tss….

“Ikaw Dan sumosobra ka na ha! Dinadamay mo pa ang mga bata! Magbago bago ka na nga!”- irita namang sagot ni Mom

Kaya naman niya yan… Siya lang ang nakakapagtiyaga sa sumpong ng tatay ko.. Tsk

“Ikaw ang magbago! Nakikipag-usap ka na naman sa panget na EX mo na yon!”- sagot naman ni Dad

Kung akala ninyo umuusok na ang ilong ni Dad sa galit… nagkakamali kayo…

Pinahaba pa niya yung nguso niya pagkasabi nun…Pati kilos parang bata eh -____-

“EX?! Dan naging boyfriend ko yon 25 years ago pa! Malapit ng mag college yang si Jay at malapit namang mag-asawa si Mikhail kaya magbago-bago ka na nga Dan! Utang na loob naman!”

Kinuyom na ni Mom yung kamay niya sa sobrang inis at gigil kay Dad…. Pinipigil ang galit….

Isa pang maling sagot ni Dad… papagitna na kami ni Jay…

“Sinong nagsabing ikakasal na si Mikhail? Wala pa namang nananalo sa contest ah? Tsaka bakit ako magababago… akala ko ba mahal mo ko? Tsk…”- Dad at nag walk out na….

Kinilabutan ako sa huling sinabi ni Dad…. Nakakasuka para namang teenager pa siya kung makapagsabi siya ng ganun… -_______-

Sumunod naman si Jay kay Dad kaya kami na lang ni Mom ang naiwan dito…

“Mom…are you okay??”- tanong ko

Tumango lang siya at bahagya pang ngumiti…. She is calming herself….

(AN: Yung video… yung kanta… sa external link… kung gusto ninyo sila ma imagine lalo… panoorin ninyo nalang… Hihihi…)

 

“Hindi magkasundo

Nung una tayong magtagpo

Nag-aasaran pa, parang aso’t pusa

Inis sa isa’t isa”

 

Napatingin kami sa may garden sa baba…. Boses yun ni Tomboy…Anong ginagawa nila dito? Gabi na ah….

Jem: Biglang nagbago

May kung anong naramdaman

Kung di ka kapiling tila mababaliw

Nais kang makita

EXTRAORDINARY CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon